27 Các câu trả lời
nakilamay ako nung buntis ako pero di ako tumingin kasi di ko naman close yung namatay.. nakakainis lang makilamay pag buntis ka kasi ang nenega ng mga tao kesyo ganto kesyo ganyan. sinabihan pa ko baka bukas mapaanak na ko kahit di ko pa kabuwanan tsaka bakit pa ko sumama. di man lang naappreciate na nakilamay ako 😂
Hindi nmn po bawal. Kaya po nila nasabi na bawal kasi po yung preggy prone po sa mga sakit sempre lamay po di natin alam madaming tao dun at di rin natin alam mga kalagayan ng kalusugan nila. Kaya ganun. Pinapaiwas lang tau sa mga pwedeng makahawa sating sakit
For me po, iniwasan ko pumunta kasi gusto ko positive vibes lang while preggy ako. Pero if need nyo po pumunta, nasa sa inyo naman po. Yung iba naman, ayaw nila pumunta kasi daming tao sa lamay and maexpose ka sa madaming virus or bacteria.
Sabi po nila hindi daw po pwede makipaglamay ang buntis. Im not sure the reason why but its up to you if you will still go or not. Just be more careful at lumayo sa mga nag smoke at sa crowded place. Make sure to wear a mask po. 😊
Sakin hindi dahil sa pamahiin, kundi maeexpose ka sa madaming tao. Usually sa lamay madaming nagsisigarilyo, yung iba may sakit din. Kaya nung buntis ako, kinontact ko na lang sila thru phone, di na ako pumunta.
Ako po lamay and libing ng Lola ko. Ma stress ako lalo kapag hindi ko nakita ang Lola ko sa huling sandali. Iniisip ko na lang our God is greater kesa mga pamahiin. Opinion ko lang naman ito hihihi.
Pwedeng pwede. Twice ko yan ginawa while im pregnant.. wala naman katotohanan.. kay Lord kau mas maniwala wag po sa sabi sabi 😊
Sabi hindi daw ok. Pero nung namatay ung kapatid ng lolo ko, nakipaglanay ako. Di pa kasi alam samin na preggy ako. Wala naman nangyari.
Pwede po. Ako nga gabi pa nasa lamay araw araw heheh. Patay kasi yung biyenan ng tita ko nun new year pa yun plus di pa ko nagpapandong
Bawal daw kase baka masinghot mo yung formalin masama kay baby yon pero ako nung patay lola ko nag punta ako
Anonymous