Hi! Ang pinakabasic na dapat iniinom ng mga buntis ang ang Folic Acid na may dosage na 400mcg sa isang araw. Ito ay sinisimulan ilang buwan BAGO magbuntis, at tinutuloy hanggang sa 1st trimester. Ang pag-inom nito ay proven na nagpapabawas ng mga tinatawag na "neural tube defects". After ng first trimester, kadalasang pinapalitan na ng ferrous sulfate ang folic acid hanggang panganganak.
Ito ay GENERAL guidelines lamang at yan ang pinaka-importante at hindi maaaring mawala. Maaaring may mga dagdag pa na supplements na ibigay ang OB ninyo, depende sa kaso ninyo. Hope this helps!
Tintin