30 Các câu trả lời
depende po sa case mo. Pag okay ka naman as well as si baby why not sa lying in.. pero pag hindi like what happened to me, nasa lying in na ako ready na manganak, kaso ang taas naman ng BP ko. so the lying in advised me na mag ospital nalang kasi ayaw nila mag risk. and they were right. pagdating ko sa ospital mas tumaas pa ang BP ko. and instead na normal delivery ako eh i ended up CS kasi nag distress heart rate ni baby. na High blood ako all of a sudden and preeclampsia pa. thank god alerto mga doctor sa East Ave and safe si baby. and natutukan ako ng maiigi. Hopefully normal lang sayo ang lahat mommy. Goodluck! mag ready ka parin ng back up plans po 💓💓💓
pwede naman, lahat ng SIL ko lying in sila nanganak sa mga panganay nila. Depende rin tlga magiging kondisyon ng katawan mo sa pagtakbo ng buwan hanggang sa manganganak ka na, kung okay naman kakayanin nman ng lying in yan, pero kung hindi maganda kondisyon ng katawan niyo expect na po na irerecommend kayo sa hospital.
ako sa april duedate ko. nag papa check up din ako sa lying in doctor nag check up monthly. balak ko din manganak sa lying in bcoz of this pandemic. first time mom po ako. sana makayanan 😊
,ang lying in po naka'base po sila sa mga resulta ng laboratories, kung d po normal mga results mo d ka nila basta-bastang tatanggapin bibigyan ka ng referal papuntang hospital....
it depends po. dipende sa katawan at lab test mo momi at dipende sa lying in. ako ksi lying in mismo nagsabi pwede ako sa knila and nakapanganak naman ako kahit 1st time mom.
bakit ako sinabi sakin sa center kht dun sa obgyne ko first tym mom daw ako so dapat hospital ako manganak wag sa lying in. 26yrs old na po ako and ok nmn pagbbuntis ko. 🤔
ung ibang lying in di tumatanggap ng first timer. ako din kasi gusto ko Lying in nalang para medyo pasok sa budget. 😅 pero depende daw po kung magaling ka umire.
Yes, sa lying in din po ako nanganak kasi nagka covid positive sa hospital kung saan sana ako manganganak. So far, normal delivery kasi and wala akong health conditions.
as per DOH daw po pag 1st baby sa hospital. sa lying in ako nagpapareg check up, pero sabi ni OB sa Hospital kami manganak sa May. ingat po momsh
Depende sayo mamsh , ako talaga sa lyin in dun nako nagpaalaga nung 5months preggy ako ayoko sa hos. Nun kasi kasagsagan pa ng covid non
Jov Jadol