Mall shopping
pwede naba igala sa mall ang batang 2mos old plang? thanks po
mas maganda mommy kung hindi pa muna. hindi pa ganun kalakas ang immune system ng mga baby, baka ma-expose or mahawaan ng mga sakit lalo na un mga airborne diseases like measles. tandaan nio po, ang 1st dose ng anti-measles ay binibigay pag 9 mos na c baby tas un booster dose na MMR pag 12 mos. above na sila..
Đọc thêmPwede naman kaso baby pa yan... ang baby madaling makalanghap o makasagap ng mga virus. so kung maaari, wag na muna... ilang buwa lang naman yang magtitiis kaysa magkaroon pa ng ibang complication diba mommies?
Kapag sa pamahiin: hindi pa nabibinyagan or nababasbasan, hindi mo pwede igala. Sa science naman: di pala sila ganon katatag sa labas ung igagala mo sa mall or anywhere.
2 weeks old po si baby nag bigay na si pedia ng clearance na kumain kami sa mall. Basta quick mall food trip lang and uwi agad. At dapat di malamigan and wag sa crowded na mall.
Pwd po as long as nka cover all si baby. With my experience 5 days palang si baby we went malling already to ease my anxiety kasi bored na being at home after I gave birth.
pwede na kung tutuusin pero kung maaari wag muna. kasi madami tao sa malls, di natin alam kung yung katabi natin may sipon or ubo - pwede makahawa kay baby.
Pwede naman po. Pero much better kung kumpleto na sya ng immunization,especially yung pnuemonia vaccine. Madali pong mahawaan ng sakit ang baby.
Okay lang lo ko nun 2months nakapag mall na pero iwas pa rin talaga sa maraming tao and cover mo si lo ng husto. Iwas sa mga may sipon ubo.
Kung may mga first vaccines na siya oo. Pero at your own risk pa din kasi crowded area ang mall, mahirap magkasakit ang baby.
Depends on you. Kami as early as 1 week nakakagala na daughter ko 😁 Pero iwas mo lang din sa sobrang daming tao.