20 Các câu trả lời
Magpakasal kayo. Be responsible sa mga actions na ginawa ninyo. Gagawin nyo ba yan ng hindi nyo gusto? Ang mga lola at lolo nga natin. Nag asawa ng 16-17yrs old. Pero sila parin. Walang perfect na tao, Ang pangit kasi na kapag nakilala mo saka nyo pagusapan kung gusto nyo paba magpakasal. Hindi lang lalaki ang may problema, Babae rin. Ang panget lang sa advice ng mga tao ngayon. Laging papuntang hiwalayan parang akala nila sa pag aasawa miserable at nakakapagsisi. Siguro para sainyo ganon ang buhay ninyo ngayon. Pero syempre buhay nila yan. Malay niyo maging masaya sila despite of the challenges na ibigay sakanila. ☺️ Ang gusto kong iadvice sayo, PRAY. ☺️ Sis, Kumakatok ang Diyos sa puso mo. Kausapin mo siya. ☺️ Bibigyan ka nya ng best answer. ☺️ Advice ko lang din, Kapag mag aaway or something. Wag post agad sa socmed at wag masyadong kadepende sa advice ng katulad namin. ☺️
Pwde na. May mga addtl requirements lang yan kasi below 21 yo kayo pareho. Pero mumsh sana po pag isipan nyo na munang mabuti kasi ang babata nyo pa, pag lumabas na si baby pwde naman muna kayo mag sama sa isang bahay kahit di pa kayo kasal. Kilalanin nyo munang mabuti ang isat isa pag nasa isang bubong na kayo. Dun matetest ang relationship nyo, patience, love, understanding lalo na pag lumabas na ang bata. Mrmi pa kayo pagdadaanan na problema pero pag nalagpasan nyo un ng hindi humahantong sa hiwalayan, saka kayo mag desisyon kung magpapakasal na kayo kasi ibang usapan na pag kasal. Di ganun kadali pag gusto nyo na mag hiwalay.
Wag muna mommy. Makakapaghintay ang kasal, baby muna asikasuhin nyo. Pag nakita mo na ugali ng partner mo as a father and asawa tsaka mo iassess kung gusto mo ba talaga magpakasal. My opinion lang ha? Mahal kasi ang annulment and sobrang habang proseso pag nagkamali ka ng pinakasalan. Then andyan din ang stigma ng mga conservatives. I hope gabayan ka ni God sa desisyon mo towards this.
Pwede na po basta may concern ng parents.. pero tama sila sis... Pag isipan mo muna lalo na ang bata nyo.. kasi if magsasama kayo dahil sa bata. Baka dumating yung time na mag aaway kayo lagi. Mas masama sa emotional development ng bata yun..
Di porke buntis papakasal kana. Ako 18 lang ako nung nabuntis. Nag usap kami ng jowa ko na saka na magpakasal. Yung kami na gagastos. Yung talagang sure na kami. Magpakasal ka kapag ready kana di yung buntis ka lang.
Wag ka muna pakasal gurl.. iba ang level ng pag iisip ng gnyan edad compared sa maturity level ng asa late 20's or early 30's. Mas mapusok pa kayo ngayon nyan.
👍🏻👍🏻👍🏻 Pwede naman. Pero wag ka muna masyado mag-madali. Di naman porket nabuntis ka niya. Siya na talaga. Baka pagsisihan mo yan sa huli
Kailangan po both kau may consent ng magulang at need nyan dapat kasama nyo mismo mga magulang nyo if ndi ndi rin kau papayagan ganyan po ngyari samin..
Hindi kayo makakakuha ng marriage locense kung walang affidavit ang parents ninyo. Affidavit, meaning notarized. Hindi bastang sinulat lang sa papel.
Hindi Pwede na wla consent considering the age.. Sure na kayo? Sorry to ask. . Ang bata niyo pa kasi.baka nabibigla Lang Kayo sa mga Tao sa paligid?