Pwede ko po bang kasuhan or ipa-baranggay yung step father kong makapal ang muka (kasal sila ni Mama) kasi po nagi-ingay siya dito bandang 8pm Oct. 5, inaaway niya Mama ko na may kausap daw na iba tapos kung ano-ano sinasabi tapos ako sabi ko wag maingay kasi nakakahiya sa kapitbahay, bali po pala mga 1 month na po silang hindi okay ni Mama kasi sabi niya sa Mama ko bakit siya magta-trabaho e wala naman siyang anak kay Mama, 4 years na silang nagsasama pero never silang nagka-anak kasi ligate na si Mama nung nagkakilala sila, 5 kaming magkakapatid puro yun sa namatay kong Papa, so bali nagalit si Mama sa sinabi niya na yun tapos pinalayas siya sa bahay tapos ngayong araw pinatira siya dito sa kabilang bahay ni Mama tapos ngayong gabi nangyari na yun tapos sinabihan niya ako na wag akong magmalinis tapos nasagot ko siya na "hindi ako nagmamalinis kasi pinapatahimik lang kita nakakahiya sa mga tao, lumugar ka sa dapat mong kalugaran, pinatira ka na nga ni Mama ganiyan pa asal mo para kang bata" tapos nanahimk na ako, hindi ko kasi matanggap yung sinabi niya na wag akong magmalinis, masakit na bagay kasi sakin yun buntis ako ngayon 30 weeks na tapos naiyak ako sa sinabi niya, sobrang iyak ko kasi na-stress ako sa sinabi niya, pasensiya na kung OA ako pero kasi masakit sakin yun, tapos sinabihan niya ako sa mismong bahay namin tapos sa harap pa ng Mama at mga kapatid ko.
PS: pinalayas na po siya ni Mama pero pabalik-balik siya dito kasi wala na siyang matitirahang iba, tsaka kahit anong gawin namin sa kaniya na pagpapalayas bumabalik siya para manggulo, feeling ko may saltik na yung taong yun kasi kanina naginom tapos nagbasag ng bote, naglaslas pa nakita ng Mama ko kasi nagkasagutan sila ni Mama kanina tungkol doon sa nangyari, hindi na sapat yung layas sa kaniya sa sobrang kapal ng muka niya.