29 Các câu trả lời

Sis ang hirap nyan same case nung 8months ako may asthma pa, 1wk niresetahan gamot ni ob gyne wala effect need mo magpaconsult kasi nakakaaffect kay baby ang pag ubo nag cacause ng contractions sa tyan baka mag early labor ka wks umabot ubo ko nireffer ako sa pulmonary naconfine ako respiratory tract infection. At last gumaling ako salamat sa dyos

Yun nga din po kinakatakot ko mommy. Tuwing uubo kasi ako parang nababanat yung tummy ko, feeling parang sasabog sya sa sobrang ubo ko. Wag naman po sana umabot sa point na ma confine pa ako dahil sa ubo. 😔 So far super active pa din naman si baby ko.. May contact din naman po kami ni ob..

Pakulo po kayo ng luya then lagyan nyo po calamansi or lemon saka honey if merun po kayo.. Tas more water po kayo.. Try nyo dn po ung steam.. Pakulo po kayo tubig lagyan ng asin tas magkulob po kayo s kumot para malanghap nyo po ang usok... Effictive po yan... Kesa po lagi kayo gamot lalot na buntis po kayo

Gawa ka mommy ng sugar syrup then magkalamansi po kayo ng maligamgan then yung sugar syrup ang gamitin kung walang honey at kalamansi kung walang lemon. Haggat maari kasi ayaw tayo mag antibiotic ng b natin ako kasi ganon ang ob ko hanggang kaya ng natural sa natural kame.

Instead of gamot sa ubo na tinutunaw sa tubig, pwede din try mo yung calamansi juice with honey. Sa cold water mo siya ihalo, sabi kasi ni ob nawawala na yung natural vitamin c kapag warm yung water na ginamit sa calamansi juice.

Ganun po ba mommy, kasi nagtitimpla na din po ako ng calamansi juice tapos nilalagyan ko lang po ng sugar para hindi ganun katapang lasa, then sa hot water. Kung cold water po hindi naman po ba yun mas makaka affect sa ubo? Thank you po.

Imbis na gamot sa ubo na tinutunaw sa tubig, iinuman ko lang ng tubig yan, yung di malamig. Mint candy pag sobrang kati na. Gumaling din ako after 2 weeks. Di ko kasi type uminom ng kung anu ano baka masuka pa ko hehe

VIP Member

Ganyan din po ako nung 5 months plng tummy ko.. Niresetahan po ako ng Fluimucil, tablet po sya na tinutunaw sa konting tubig, effective po 3 beses lang ako uminom hndi nmn po nakaapekto sa baby

Gawin mong juice yung honey, lemon/ calamansi plus warm water or calamansi with warm water plus konting sugar. Ilang araw palang lalabas na yang dry cough mk.

Pwede mong gamitin yung vitamin c as gamot sa ubo na tinutunaw sa tubig... nawala ubo q nereseta ni ob potencee 1000 mg...nawala ubo q

Nakita ko yung gamot sa ubo na tinutunaw sa tubig na Fluimucil na mucolytic sa tiktok mukhang okay. magaganda mga reviews.

VIP Member

Maligamgam na tubig lang po. Diretso lang yan hanggang mawala. Ayan remedy ko nung time na may dry cough din ako

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan