17 Các câu trả lời
3 days palang lo mo sis? If ako sayo tiisin mo muna ganyan talaga sa simula pag magpabreastfeed pa. Subrang sakit ng dede ko din nuon nagkasugat sugat pa pero pinapalatch ko parin kay lo. Almost 2 weeks bago medyo nka adjust na dede ko sa sakit. Ngayon no pain na at super dami na ng milk nag pump na ako nilalagay ko feeding bottle nya para matuto din siya mag bottle preparation sa pagbalik ko sa work. Risky pa kay baby mag formula lalo na at 3 days old palang siya. Mas masuntansya parin ang breastfeed kahit wala pa vitamins baby mo.
Momsh, halos mag.give up din ako sa pag BF .. kasi masakit , trinay ko iformula si baby kaso naawa ako parang ang sakit makita na sa bottle dumedede si baby at di sakin .. kaya ayun tiniis ko nagkasugat2 .. pero ngayun okay na .. mag3weeks na baby ko ... super dami ng gatas ko pinapump ko nalang ung iba pero minsan nasasayang kasi sakin sya mismo dumedede , di nya nauubos ung sa bottle kasi hinahanap nya dede ko :) momsh mas maganda sa feeling na skin to skin contact kau ni baby :)
mommy sayang naman po kng nag start kana ng breastfeed ako din po nagkaganyan tyaga ko lang po pa dede kahit minsan eh nahihila ko na bigla sa sobrang sakit.. pero unti unti po mawawala at gagaling din po yan., ask ko sa pedia nya kng ano puwede ko ipahid sa nipple ko kc masakit sabi petroleum jelly daw pero tiniis ko at d ko din pinahidan ngyn medjo masakit pa din pero nakakaya kaya ko na 2 weeks na kami ni LO.
Ako po more than 2 months nagsusugat ang dede umabot nako sa pamumula ng buong breast subrang sakit di ma explain kaya isang breast nalang pinadede at kulang sa kanya iyak sya ng iyak kaya bumili na kami ng formula 1 week lang yun. Pero engat po kayo sa pagbili ng formula po kasi baka katulad sa baby ko na allergy na hospital nung 2 months. Tiis lang po mommy kaya nyo po yan the best pa din ang breast milk.
Hot compress lng po mamsh bka d na lalatch ni baby ng maayos .. ganyan rin ako mga unang linggo parang lalagnatin pa nga ako e pero d ako sumuko .. tuloy lng para kay baby .. p.s nag sugat rin ang dede ko nag dugo pa pero tiniis ko tlga iba kc ang power ng breastmilk lalo na ngayon uso ang mga sakit .. gandang panlaban yang breastmilk sa covid 19 proteksyon yan ng mga babies ntin ..
sis tiisin mo n lng , mahirap makipag sapalaran pag mixed feeding , yung lo ko gnyan , pero nung tumungtong na sya nang 6 months, ayaw nya ng dumede sakin, nanghi2nayang tuloy aq sa gatas q, kahit mag hand express aq, ang konti lng ng naku2ha q. mas ok na po na ebf sya.
Dahil lang nasaktan mag foformula na? D ba pwedeng tiisin mo nalang tutal mawawala rin naman yan in 2 to 3 weeks. Breastmilk ang healthiest para sa baby. Ina ka dapat mag tiis ka sa sakit. Buti ka nga may breastmilk yung iba nga wala e. Swerte ka na.
Ganyan talaga sa una umiyak din ako nun nagdugo pa nga abg sugat nun pero until now bf pa din baby ko mag 1yr na sa april8 tipid sa formula milk tapos tipid din sa diaper kasi di palaihi ang bf in my experience with my LO
Mommy hindi na po kailangan mag mix tuloy2 lang ang pa dede mawawala din yang sakit. Sa umpisa lang yan after 3 days masasanay ka na. Pag mag mix ka kasi mawawala ang gatas mo. Tiisin mo nalang muna. Kaya mo yan.
tiis lang mamsh, sa una lang naman po sasakit ang dede natin. naranasan ko na din po yan sa 1st baby ko talagang nagsugat at nagdugo dede pero keri lang. 1week lang naman tagal niyan :) sayang po kasi breastmilk.
yung baby ko po noon 2yrs old bago ko po nilipat sa formula pure breastfeed po talaga ako since day 1. ngayon sa bunso pure dinpo. kaya yan mamsh tiis lang po
Mary Grace Bacalso