Share ko lang, pa advise na din.

PTPA 🙏🏼 Medj mahaba kasi rant. Wala akong malabasan ng sama ng loob or stress. Pa advise din ako. 😩 Please be gentle po and respeto lang po tayo sa comments section ha. 🙏🏼 Sino po dito may same situation. Di po kami kasal ni partner pero may 1 month old baby na kami, super okay kami, almost 8 years na kami magkasama pero di ko talaga gusto yung attitude ng family niya. 😔 Excited lahat nung nalaman nila buntis ako, especially nung lumabas na si baby namin, yung side ni partner atat parati kay baby. Minsan nag dedesisyon lang sila without asking me. Di man lang ako kinausap kung okay lang ba sakin na sa kanila (grandparents) muna si baby. Maririning ko nalang na kunin daw nila si baby pagdating nila sa bahay namin. Di man lang ako hinanap para magpaalam sakin. Yung partner ko naman, hindi maka hindi kasi nga excited daw. Di ko sana gusto parati nila nilalabas si baby sa bahay kasi aside sa di pa kumpleto sa bakuna/immunization, umiinom yung father ni partner, sobrang baho talaga after mag inuman, tapos gusto niya nasusunod sya parati. Tsaka ayoko hinahawakan ng ibang tao si baby kasi baka hahalikan ng kung sino, magkasakit pa 😭 Minsan naiiyak ako kasi first time mom ako, baka pagsabihan ako na mas may alam sila kasi matatanda na sila, dapat hindi ako mamroblema. So si partner inaaway ko about his family kasi di nia rin mapgsabihan minsan kasi baka gusto lang talaga mag bonding si baby at yung mga lolo at lola. Tama naman diba na, si partner nalang dapat kakausap sa kanila in behalf, kasi family nia naman yun diba. May right ba talaga sila (grandparents) mag desisyon na hindi ako kinakausap dahil apo nila? Kakainis kasi may attitude yung parents ni partner na know it all. Minsan iniisip ko bahala na basta kapag may nangyari kay baby, sila talaga sisihin ko. Super naguguluhan ako. Nakaka stress. Gusto ko ilayo si baby sa kanila. Pwede naman mag bonding sila sa bahay. Bakit kailangan ilabas pa. Nakaka-inis parang wala akong support kay partner. Minsan dapat pa kami mag away ni partner para masunod gusto ko. Hays, sakit sa ulo kakaisip paano ko ehandle family ni partner. 😭

7 Các câu trả lời

TapFluencer

Hi miiiii .. walang masama sa lahat ng nararamdaman mo valid lahat yan. For some reason naramdaman ko yan on my own family. But, I stayed sa pananaw ko MY CHILD, MY RULES. I talk to my parents on how I wanted to teach my child nor how I'll give her rules to follow. Nung una paladesisyon Kasi excited din ndi nag papa-alam but, natutunan nila pakonti konti WFH mum kasi ako so, may times na nasa kanila ang anak ko kapag tulog ako. But, minsan I stayed awake para makipag laro or turuan ang anak ko. Sa ganyang sitwasyon tyagaang ipaintindi yung gusto mong mangyari dapat din naka back up ang partner mo sayo. Kasi, normal na may mga ayaw at gusto tayo para sa mga anak natin but, ndi rin dahil mas matatanda ang parents mas alam na nila lahat respeto pa din sana in between nanay & parents nung lip mo. Para happy.

Para sa akin, tama naman po kayo at dapat talaga si partner ang kumausap sa parents nya. Pero kung wala naman ginagawa si partner, I'll take matters into my own hands at ako na lang kakausap sa kanila, but I'll try to do it in a kind and respectful way para iwas friction pa rin. Saka ka na magbeast mode kapag hindi pa rin talaga effective 😅 but if and when you do, you should also be prepared with the possible consequences...

Tama ka dyan mommy. Iniisp mo lang safety ni baby. Tama rin na partner mo kausapin mo sa issue na yan, baka kasi kung ano pa sabihin ng in laws mo sa'yo. Kahit naman may attitude mga in laws mo, kahit paano iba din naman pag maganda pagsasamahan nyo, lalo na minsan di maiwasan makisuyo sa kanila. Malayo ba bahay nila sa inyo? SA amin po kasi hanggang hindi nabibinyagan ang bata di nila nilalabas masyado.

naku sis, YOUR CHILD, YOUR RULES!. respeto naman sayo. saka tama ka, mahirap imulat ang bata sa isang environment na may taong palaging nag iinom tapos, andyan pa rin si Covid. need talaga ingatan ang bata. may rights ka humindi kung ayaw mo talaga.

Kaw dapat masusunod kay baby, tama mii na si partner mo dapat kumausap skanila, karapatan mo naman bilang ina ng baby na ikaw ang magdedesisyon. Kung hnd kaya ni partner mo pagsabihan sila, uwi muna kayo sa parents mo

Kailangan mo mag-matigas sis. Ikaw ang nanay ikaw dapat may kontrol dyan lalo at safety ni baby iniisip mo. Problema tlga kadalasan yang mga byenan na yan eh.

May mga tao talaga o family na hindi naituro ang boundaries. Nakakaloka.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan