Normal lang naman po na madalas na po hingalin if buntis pero possible din po na may ibang cause like nung buntis po ako. May severe anemia po kasi ako nun and as per my OB, isa sa mga symptoms yung pagiging hingalin. Triny po namin ng OB ko na at least maging close to normal yung dugo ko po nun to avoid blood transfusion. Nakapag normal delivery naman po ako ng safe nang hindi ako nasasalinan ng dugo. Yung normal or CS delivery naman po is nakadepende po sa inyo and kay baby. May circumstances po kasi na kahit gusto niyo po inormal is need po ma-CS. Like if hindi naka-cephalic position si baby, if sobrang liit po ng sipit-sipitan niyo po, if overdue na si baby sa tyan, etc. Parehong masakit din po sila 😅 pero ayun po depende po talaga sa inyo or sa situation.
Mabilis talaga hingalin ang buntis dahil na din sa additional weight gain at laki ng tyan. Pero obserbahan mo din sarili mo. May sakit ka ba? Like asthma, sakit sa puso etc... Pwede mo sabihin kay OB yan.. Pwede ka magpa PulmoClearance si OB naman magsasabi kung kelangan mo pa nun.