70 Các câu trả lời
Yes, meron po. I know it's hard. I know nothing I say will comfort you right now or make you feel better. Ilang beses ko narin po nararamdaman yung nararamdaman nyo po ngayon. Masakit na masakit. Di mo alam kung kanino or saan ka magagalit. Pero wag po kayong mawalan ng pag-asa. After my second miscarriage, I'd given up hope. Akala ko po di na ako magkaka-anak. Naiiyak ako tuwing nakikita ko mga pinsan ko, friends ko, family ko na may pregnancy or birth announcements sa wall nila sa FB. Di ko alam, buntis na pala ako. Now I am 26 weeks pregnant. May anxiety parin po syempre, kasi nakakatrauma talagang makunan. Pero in the end all we can really do is pray and hope for the best. I feel like my baby's existence now is living proof of God's perfect timing. I am so sorry for your losses, momshie. I am hoping for your healing.
Don't lose hope kasi ako din 3 times nakunan 3 times din nagpa raspa, 3 times gumastos sa hospital na same rate ng normal delivery. Then i got pregnant for the 4th time, di na ako nag expect so much but i still took care of myself and followed my doctor's advise. Nag bed rest din for 2 months, nag leave sa work. I gave birth last july at the age of 41. Trust the Lord's timing, He is always on time. 😊🙏
Yes, aside from prayers, magpa-check up ka sa OB perinatologist para mawork-up ka bakit ka laging nakukunan. Maraming pwedeng cause bakit ka nakukunan, and marami na din treatments available, kaya do not lose hope. Magpakonsulta ka na ASAP, para you will be prepared for your next pregnancy. Ako nakunan once, nag-work up agad OB ko. Baka may reproductive immune failure ka. May 5 types yun na causes ng miscarriage.
pacheck ka po muna sa specialist like ob perinat. if ganyan kasi ang case possible na may condition ka kaya ka nakukunan. maraming test na gagawin sayo to check ano mga condition meron ka para matreat properly. mejo may kamahalan nga lang pero at least ang possibility na magkaanak ka ay malaki na.
Dnt lose hope momsh. Pa work up ka sa ob mo. For now mag take ka na ng folic acid if gusto mo ma buntis. Sabi ng ob ko dyos lng nakka alam kung pag bibigyan tau ng baby pro basta ginagawa natin part natin pra mabuntis like pag papa work up and taking care of our self just keep the faith.
Ako 2 times nakunan isang 8months patay sa loob ng tyan ko at isan 4weeks sya in then now my baby na ako binigyan ulit ako ni god mg 4months na sya this coming 14 .. Dasal ka lng lagi mommy pg highrisk pregnancy dapat po bedrest po kc ako ganun highrisk pregnancy po
Yes mommy meron .. don't lost hope.. Have faith po kay God.. ang prayer is the best parin... pa alaga ka sa oby mo sis or try mo mag apas test.. po same here twice na na kunan and now im going to meet my rainbow baby sonner.. ka buwanan ko na po.😇🙏
Prayers mommy 🙏 ako nakunan nung first 5 months na ang baby na yun then now 8 months preggy na ako malapit nang lumabas, 😊 hinintay namin talage kung kelan ibibigay ni God sa amin to. Tamang pag iingat and sunduin si OB mommy.
Meron pa Yan keep praying Lang po at Mas extensive na consultation with your OB baka po kasi d compatible ang blood type nyo ni hubby or my iba pang underlying condition Kaya lagi kayo nakukunan... God bless po..
Have yourself tested po for APAS. Baka po maka help. If 3X MC na po kayo, there might be a problem na po sa inyo mismo Mommy. Don't lose hope po. Basta maagapan sya pag nag plan ka mag try ulit ❤️
Anonymous