10 Các câu trả lời
Hi mommy ano po sabi ng endocrinologist mo? I have nodular toxic goiter nung pregnant ako but euthyroid naman sa mga bloodtests so wala ginawa si Endo ko di niya masyado finocus since nag normal naman functions ng thyroid ko while buntis. Nakapanganak na ko btw nung Feb and normal at healthy si baby ko.. If ever active ang hyperthyroidism mo while pregnant lagi po kayo papacheckup kay endo mo para mamonitor ka😊 at iiinform mo si OB mo incase na may ibibigay sayo gamot si endo para alam din ni OB mo mga ititake mo gamot incase may ibigay sayo😊
euthyroidism po ako ngayong buntis. constant checkup po with may endoc every 6 weeks para mamonitor levels ng thyroid functions ko. nagkataon po nakatiming lahat ngayon kasi normal lahat. maintenance ko po Thydin 125mcg every morning before breakfast. 10 y/o ako nadiagnose with Hyperthyroidism, by 18y/o nagundergo ng RAI. nagrelapse po ung akin to hypothyroidism nung nabuntis ako sa una namin baby. Sadly nakunan po ako. I am 29 now. Hopefully tuloy tuloy lang sya ngayon na maayos hanggang manganak ako.
ako mamsh my hyperthyroisdism din. advise lng saken is every 6weeks need maglab test for ft3,ft4 & tsh to monitor. so far wala naman pinapainum saken na gamot ngaun. bago kse ako nabuntis nacontrolled na ung thyroid prob ko though need parin imonitor. here's my last lab results pla.
Hello momsh, paano ka na diagnose? During my prenatal tests, super low ng TsH ko so candidate for hyperthyroidism.. So my internist asked for another test, Yung ft4..eh nag normal sya. So Sabi nya okay Lang nmn. Wala syang niresetang gamot at all since my ft4 came back normal.
same here, nag over active thyroid ko ngayong buntis ako, and so far ok naman pp, as long as namomonitor ka ng ob at ng internist or endoc u have nothing to worry about basta maging normal lang ang result ng labs mo for thyroid
Thanks a lot momsh! God bless din po sa inyo always 💖
saken naman nagpapa check up ako sa Endo monthly to monitor yung thyroid ko ngayon lumiit na sya nagtetake po ako ng Methimazole and Propanolol tas binigyan din po ako ng OB ko ng Aspirin
same here meron akong Toxic hypertyroidism so far ayos naman .basta laging nakakpag pa check sa Endo. wala naman magiging problema .kasi need talaga na doble ingat .
hi mommy on my 4th month my hyperthyroidism po ako,. Umiwas lng po ako sa mga bawal kainin mamshie at seafoods. Now thanks God nawala po hyoerthyroidism ko🙂
Oh buti ka pa po. Kasi di bumaba yung sa results ko. Ano po mga iniwasan mo po kainin bukod sa seafoods?
ano po ba Ang symptoms nyan while pregnant?
nag patingin kana din po ba sa endo
Hello po! Yes, husband po ng OB ko is an endocrinologist. Sabi naman ay di po worrying yung results ko but since it's still elated, need pa din po maagapan na lalo pa tumaas. However, di pa po bumaba or nag normal despite the medicine na nireseta :(
Anonymous