52 Các câu trả lời
Ilang kilo po si baby pag labas niya? In 4 months dapat double the birth weight na sabi ng pedia. If worry po kayo, consult pedia po kasi sila ang mas nakaka alam. Ganyan din ako nung payat ang baby ko, nagpa pedia ako agad kasi na worry ako sa sabi ng mga tao sa paligid pero after namin check up na ok na po ako kasi sabi ng pedia ok lang baby ko. Pa pedia po mommy tas ask if need ba mag vitamins si baby,. May ibang pedia kasi d nag rereseta ng vitamins lalo na at pure bf baby mo.
Kulang po ba sya sa timbang according to your pedia? If yes, may irerecommend naman po sila for sure like scheduled feeding, mixed feeding, etc. If on track naman po sya at hindi lang kasing-chubby ng ibang baby/expectation nyo, that's ok po. Iba iba naman po katawan ng babies. Sa 1st baby ko hindi rin sya ganun kataba tingnan, pero pasok sa normal weight range.
mamsh ..wag magworry ..ang mahalaga ndi sakitin ..pure breastfeed ako sa panganay ko ..pero payat din xa ..ang prob ko sakania noon ..madaling madistract ..may marinig lang na kalabog or kaluskus bigla titigil magdede ..tsaka ndi pala tulog panganay ko ..until now na 19 months na xa ..kaya kyut xa 😅 pero sv nga ..keri basta ndi sakitin
Mommy, pacheck up nyo po si baby sa pedia, baka po kulang po yung naiinom nyang breastmilk, or hindi nabubusog, ganyan din po kasi baby ko noon, mixed feeding na sya ngaun, NAN sensitive milk yung prinescribed ni pedia ni baby. Mas maganda kung matignan sya ni pedia just to be sure po.
unless hindi payatot ang bb okey lang.. meron talagang di tabain.. saka baka payat tignan pero sakto lang weight sa age is OK na OK din.. ikaw mamsh ang magdagdag ng masabaw at more on malunggay para lumakas pa gatas mo at maka cope up ka po sa paglaki ni baby
ok lang naman kahit di tabain basta di sakitin.. pero try mo rin kumain ng mga foods na rich in protiens..nakakadami daw ng hindmilk yun. mas maraming fats ang hindmilk kesa foremilk kaya nakakataba ng baby.ako minsan higit pa sa tatlong itlog sa isang araw.hehe
di rin tabain baby ko. don't compare your baby to others po.. as long as di siya nagkakasakit normal weight and na mi meet nya milestone and active baby naman po. you don't need to worry. 😁 Basta you know to your self na you give your very best para sa kanya.
yung baby ko po momsh, 8 months na po ngayon pero never sya tumaba na as in ang bilog ng mga braso at legs. payat lang din po sya pero ang haba po. kasi po namana sa tatay nya, matangkad po kasi yung tatay, and parehas po kaming hindi mataba nung baby.
na try nyo na po ba humanap ng BF advocate pedia yung baby ko po kasi same ng problem dati niresetahan po kami ng virgin coconut oil nag work naman nahabol namin weight 😊 mix fed pa kami lagay na yon nahiraoan ako sa timbang ni LO and nung tinigil namin yung pacifier
hi po.. hindi pa po ,kc natakot po ako ilabas c baby po dahil sa panahon natin ngayon..saka last weight ni baby pasok nman xa sa normal range po..
mommy panganay ko dati ganyan din malnourished po siya..tapos ngayon grabe na kung kumain normal na po weight nya...mayat maya hingi nang pagkain.,ngbabago nmn po ang bata..as long as di nagkakasakit..basta ibigay mo lang ang sapat na pangangailangan nya...
Anonymous