Losyang na..

Just posting this to vent out. I know maraming mommies here na mas may legit stress than me so I’m sorry but please bear with me. Hindi ko alam kung bakit ganito ako recently pero madalas akong malungkot pag nakikita ko sarili ko at katawan ko. Siguro dahil sobrang busy these past few wks si hubby sa work to the point na wala na syang time halos samin,sa akin😕. Madalas sumagi sa isip ko nitong mga nakaraan,bakit kung kelan may partner ako,saka naman ako nalosyang😭. I was a single mom for 6.5yrs. Nagstart akong mag work when my daughter turned 14 months. I’m earning really well,merong hobbies,always with friends. Part ng work ko ang pagtatravel locally. All is well Nung naging kami ni hubby,pinatigil na nya ako sa work at sya na lang nagsupport sa family at daughter ko. In other words,nastuck na lang ako sa apat na sulok ng condo which was okay for me. Until nabuntis ako with our son. Ang dami lalong changes. Lalo na sa sarili ko,sa katawan ko,sa itsura ko. Hindi naman ako mahilig talagang mag ayos pero mejo okay naman ako before and at least before,naaalagaan ko ang katawan ko. Ngayon grabe🤦🏼‍♀️ Stretchmarks,dry skin,baby pouch,eyebags,hairfall. Feeling ko mukha na lang akong yaya ng anak ko. Don’t get me wrong,sobrang walang problema kay hubby. I’m very well provided. He still cooks food for me in between his busy hours,he still hugs me and tells me I’m pretty. He still thanks me for being a good and strong mom for our son pero deep inside,I can’t shake that feeling of being disappointed with myself. While browsing my gallery,I noticed na I don’t even take pictures of myself anymore. Puro picture ng anak ko. Habang nawiwili akong mag alaga ng anak ko,habang lumalalim yung love ko sa kanila,nawawalan na din pala ako ng panahon na mahalin at alagaan sarili ko. I love my family,no questions about that. But I just miss my old self. I feel incomplete and lost right now. Just sad. Just sharing some photos of me for self appreciation. First photo was taken very recently while the last 3 were before I met my husband

73 Các câu trả lời

Enjoy mo Yan, losyang Kung losyang d nmn Yan forever.. Enjoy mong may inaalagan Kang anak.. Ung iba d bngyn ng anak.. OK lng Yan.. Ako sa totoo lng lahat ng kaartehan sa Mundo meron ako.. Gumagastos ako lht ng "pampang" maisip mo.. Pampa puti, Pampa Ganda heheh pero ngka bb ako erase Yan lht.. In embrace ko lahat ng kapangitan at kalosyangan Hahaha ginusto ko to eh..

nakaranas din ako ng ganyan momsh. losyang then mataba pa. ang ginawa ko na lang po, nageexercise ako. mataba pa rin, pero may nabawas na timbang kahit papaano. pero medyo nagbrighten na rin face ko dahil sa exercise, hindi na gaanong mukhang laging pagod kahit working. try nyo rin momsh magexercise, nakakarelease daw kasi yun ng happy hormones. hope this helps.

aww. momi. ganyan din feeling ko. last nite twas 2am. nagpunta ako sa kabilang room kumuha ako lampin ni baby tapos bigla ako napatingin sa salamin bigla ako natakot sa sarili ko. hahaha ung mga mata ko ang lalim. ung mukha ko. eyebAgs. minsan diko na magawa makapag suklay. ang losyang losyang ko😂 kaka 3 months palang ung baby ko.❤ kaya natin yan mga momi. 😄

Hugs to you mommy. Kapit lang tayo...

Kaya mo yan 🙂 Malay mo pag medyo lumaki laki na sila baby magkaroon kana ng time ulit para mag ayos at alagaan ang sarili. I think mas inuuna lg tlga ng mommies ang mga babies nila. May sari-sarili tayo ng pag-cope up. In time, pag nakuha mo na ang best routine for you I’m sure magkaka time ka na ulit sa sarili mo kahit konti lang 🥰 Stay strong po!

Still pretty pa din nmn ahh 🥰 Same tayo mamsh ganyan dn pkiramdam ko..Panget sa sarili haha pero sa isip ko babawi nlng aq pag ka panganak ko tsaka pag lumaki na c baby..as of now enjoy mo muna sarili m sa mga junakis mo.. mabilis Lang nmn ang panahon pag Hindi na alagain masyado..mkakapagayos kana ulit tulad ng Dati.. Wag kna paka stress.. 🧡💛♥️

Hugs to us mommy. Actually,yang thought din na yan ang pampalubag loob ko. Thank you for giving me positivity kahit you’re going through the same phase🙂. Stay pretty and strong mommy💪🏼

Di ko na magawa pa tingnan sarili ko sa salamin kasi naawa ako sa itsura ko 😩 yung mukha na talagang losyang, mapayat na pisngi at eyebag 😩 yung buhok na minsan di na magawang suklayin diresto tali na pagkakagising. Wala ng oras para sa sarili 😩 pero kahit nagmukha akong losyang masaya ako kasi naalagaan ko ng maayos mga anak ko ❤️

I feel you momsh.. Like me payat ako dati nung dalaga pa ako pero since nanganak na ako tumaba na ako ng todo tinitignan ko pictures ko dati laki ng diperensya... But it doesn't matter... Ang mahalaga naaalagaan natin ng maayos mga anak natin na kahit minsan napapayaan na natin sarili natin na kahit mgsuklay di natin magawa..jeje...

Hugs mommy❤️. Relate na relate sa di makapag suklay😅

relate ako sayo momsh ako iniisip ko na lang pag medyo malaki laki na sila saka ko asikasuhin sarili ko hehe may time din na nasasabihan ako na losyang kana 😂 sakin iniignore ko na lang or sinasagot ko na hayaan mo na 😂 tiis muna ngayon at maliliit pa hehe....Laban lang tayo mga momsh 😍

you still look great padin naman ma,nasa stage kasi tayo na mas kelangan tayo ng anak natin,im sure you will recover from the postpartum body,pag naging mum na kasi tayo usually our body will not be ours anymore,di lang physically pero as in lahat,wag na malungkot,you still look great!!

Yout still beautiful..mamsh.. Bawi knlng pg medyo.malaki n c baby.. Ganyan din ako as in losyang losyang since dumating c baby s buhay...never n ako nkapasok ng parlor haha.. pero before halos weekly yata. haha. pero wala akong pingsisihan.. kasi anjan nmn c baby..

Câu hỏi phổ biến