Dapat hindi naman, pero may mga mommies dito sa TAP na nadeny dahil sa similar reason na yan--all falls down sa bank account.
Since employed ang tagging mo, ang pagkakaintindi ng SSS is si employer mo ang mag aadvance ng benefit through your payroll ATM.
Kung voluntary ka kasi, hihingan ka nila ng personal savings account mo at dun ihuhulog yung maternity benefit mo.
I suggest para hindi ka mamroblema about dito, pay kahit 1 month contribution for the sake na mabago ang status mo from employed to voluntary. Pinakamababa na pwede mo ihulog is 240 pesos. Di mo naman na kailangan pumunta ng SSS para gawin yun. You can generate your PRN via sss website then pay it sa bayad centers. Once posted na yung payment mo, automatic na magbabago na status mo from Employed to Voluntary.
Cristie Galleno Ladines