mommies. 26 weeks here. 6 months, paano po ba yun pangalawang ultrasound ko na parehas breech. paano po ba dapat gawin?
possible paba na mag normal delivery ako?iikot paba si baby?
Madami pa pong time para umikot si baby, sabi ng ob ko yung posisyon ni baby kinukuha nila sa result ng ultrasound on 37th week.. So kung 37th week mo na at hindi pa din siya nakakaikot, kailangan ka talagang i CS. What I did po bago ko matulog nagpe play ako ng babies song/lullaby sa phone ko tapos pinupwesto ko sya sa bandang puson ko, sabi kasi ng iba nadidinig daw po yun ni baby at sinusundan nya yung tunog 😊
Đọc thêmiikot pa yan. ganyan din ako nung 6 months siya breech. pero ngayon recently lang nagpaultra ako ulit 8 months na Cephalic na siya. patugtugan mo lang sa baba ng pusod mo tapat. 😊 wag ka pahilot. ako simula umpisa di ako nagpahilot tatakot ako baka kung mapano si baby
iikot pa po yan kwento nga ng ob ko may patient sya na naka sched na for cs kase breech si baby tapos Nung araw na iCs na sya nag i.e muna si doc pag kapa cephalic na...lpinauwe muna nya...ayun after ilang araw nanganak na sya normal
Breech din yung baby ko nung 7months ultrasound ko. Advice kng skin ng ob ko take ng more water ora mas madali sya mkagalaw at mkaikot sa loob ng tyan tas pgka next checkup ko cephalic na sya.
Yes, iikot pa yan. May next ultrasound ka pa naman. Yung iba nahihilot yan, iniikot ang bata try mo isearch ang tungkol dito at itanong kay doc kung possible.
na experience ko sa pangalawang anak ko 28 weeks transverse pero nainormal ko sya kasi umikot pa sya. kinakausap ko sya palagi na sana umayos sya hehe.
iikot pa yan momsh. pero ako nun dahil sa gusto ko na umikot si baby nilalagyan ko ng music sa may puson. pwede mo try earphone. then umikot nga siya.
Tiwala lang mommy, iikot pa daw po yan sabi nila. 6 months din ako Tranverse naman si baby ko and hoping na umikot din sya.
yes sis, ako nga 6 months breech pa sya tapos kahapon nagpa ultra ako cephalic na. tiwala lang ☺
twice ultz qdin breech c baby pero umikot nman xa. iikot p nman xa gang bago ka mag due date.