16 Các câu trả lời

Masyado pang maaga kung ang last menstruation mo e March 30 tapos nagPT ka agad ng April 11. MagPT ka ulit sa April 30 kapag hindi ka pa nagkaroon nun. Merong tinatawag na menstrual cycle, 28-31 days yun. Hindi naman porket nakakaramdam ka ng pagsakit ng dibdib or ngalay ang lower back mo ay buntis ka na. Kadalasan kasi kapag gusto natin magbuntis pinaparamdam saten ng katawan natin yung mga signs na buntis tayo. Based ito on my own experience. Akala ko dati buntis na ako dahil kung anu-ano nang nararamdaman ko yun pala may PCOS lang ako, take note, 3 months akong delayed nun. Hopefully yung sayo ay hindi false alarm, magpunta ka na lang ulit sa OB mo after 1 month at magPT ka to make sure.

may Pcos din ako sis, positive sa PT tapos wala din nakita sa TVS.. after a week pinabalik ako, may yolk sac @ 5weeks pero no heartbeat. sabi ng OB balik daw ako after a week at pag no heartbeat parin, abort pregnancy na. Hindi ako bumalik kasi malakas pakiramdam ko na buo si baby. after month pumunta ako sa ibang OB and taa-daa, 3 years old na ngayon ang baby ko 😇

kung last period nyo po is March 30, masyado pa po maaga. 13 days palang po nakakalipas. ang cycle is usually 28-30 days. try nyo po magpaTVS ulit sa katapusan. kapag maaga po kasi wala talagang nakkita sa TVS. maganda din po kung magBHCG kayo, di po kasi yun nagkakamali

yes po na may laboratory.

May pcos din ako. Nagtry ako magPT dati, positive pero pagcheck sakin walang laman. 🤣 Then last year, 4mos akong hindi nireregla akala ko dahil sa pcos ko lang. Sabi ng partner ko magPT na ako, ayun dalawang guhit. In denial pa ko. Tapos pagka-utz sakin ng OB ko. 13weeks na siya ❤️

same po mga mommy may pcos po ako akala ko nun buntis ako dahil 3mos na po akong di nireregla last year lang din ako nagka pcos . pero lately po di ulit ako dinatnan ng 2mos. akala ko dahil lang sa pcos pero nag PT po ako nagpositive then nagpa trans V ako ayun nakita na may baby po talaga 🥰

sinabihan ka na na magpabeta hcg ng ob, yun ang gawin mo para maconfirm. kung mataas yun e di buntis ka at bKa too early lang kaya di nakita sa tvs mo ang embryo o sac. pero may cases na nagpopositive sa home pt kit pag matindi ang pcos.

hello mi. sory to say dis mii, pero base sa sinasabi mo, baka posibleng buntis ka pero blighted ovum.ibig sabihin ndi nabuo. ganun kasi ako sa last pregnancy ko. darating ung time lalabas din ung dugo sau if ever man. pcos din kasi ako

Hi mommy! Skl experience ng pinsan ko. Delayed sya and tested positive sa pregnancy. Pero nagpautz sya lumabas na PCOS. Kaya maganda po talaga na BhCg ang patest sa case nyo. Mas accurate.

mag try ka po ng 9weeks kana before makita si baby ako kase 7weeks sakto walang nakita at no petal pole pinabalik ako pag ka 9weeks ko at nakita na si baby pati ang heartbeat nya ☺️

beta HCG lang po makakasagot nyan . if may pcos po kayo pwede po talaga na magpositive sa PT pero malay mo naman mi. magpa beta HCG ka po para po maconfirm.

mukang pregnant ka po talaga. congratulations po!

nangyari sa akin yan dti nag false positive ako sa pt pero sa blood test nega, pero ngaun 22weeks preggy na

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan