Hello po mga moms ask ko lng po 6 weeks preggy na po ako pro wala po ako nararamdaman, is it normal

Positive po ako kasi delay na din po ako, pro wala po ako nararamdaman, tapos sguro mga 6 weeks na ata akong preggy d pa po ba halata yung 6 weeks pregnant? kc wala tlaga akong maramdaman. Dko alam kung preggy ba tlaga ako.

16 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Iba iba naman po pregnancy. Meron talagang iba na walang symptoms (sana all 🥲) Ako kasi, nung first few weeks into the pregnancy, more on fatigue lang nafifeel ko. Nung 6 weeks and 3 days na ako, nag-start na ako magsuka. Now at 8 weeks, grabe ung peak ng fatigue ko to the point na hirap na hirap na ako mag-work kahit nasa bahay lang ako. Tapos mabilis din magutom, pero lagi namang naduduwal 🥴 Pwede ka po magpa-serum blood test para masigurado mong pregnant ka. Visit your OB na rin for ultrasound. In some cases, may heartbeat na ung 6 weeks ☺️

Đọc thêm

una kong naramdaman na buntis na ko nung hindi na nawala pagkatender ng boobies ko. normal sakin ang tenderness before period and nawawala after. so nung namaga na siya, kala ko magkakaperiod ako, hanggang umabot ng 2 weeks yung maga niya, at the same time delayed na din ako ng 2 weeks. dun na kami nagdecide mag pt. as per dun sa tvs naman na as early as 6 weeks, same din ginawa namin, though unang tvs wala pang nakita, kaya niresetahan lang kami pampakapit and repeat tvs after 2 weeks. awa ng Diyos, I am now 36 weeks preggy ❤️👶🏻

Đọc thêm

hi Mamsh. Same po tayo. Ganyan po yata pag first month. Pero punta na po kayo sa OB or sa health center para po makapag transvaginal ultrasound po kayo at don nyo malalaman kung ilang weeks po kayo preggy dahil depende po iyon sa size ni baby pero kung na based nyo na po sa last mens nyo ay baka nga po 6weeks na kayo preggy. better to ask your OB para maresetahan na din po kayo ng vitamins para sainyo ni baby. 🤗

Đọc thêm

Kapag walang symptoms normal lang po, hindi naman necessary you will have all the symptoms, baka nga later on lalabas din yung symptoms..may mga babae talaga na nagbubuntis na walang masyadong symptoms but make sure nakapag check up ka na for tvs if may heartbeat na po.. Wag po maging complacent.

gnyn ako last first trimester I'm 34weeks n ako ngayon nag tvs ako 12weeks ,normal lng po yn Mommy KC ung una 1month p lng try mo check up s ob after 5weeks at kung nag bebleeding k Mg rest k lng po KC my mga pregnant n gnyn nire2fer ng ob s high-risk

hi mom, same here, kung base on last mens ko mga 8 weeks na akong preggy, pero knina nag pa tvs ako kasi almost 2 weeks na akng spotting/bleeding, 5weeks na siya pero wla pa siyang yolk sac, bahay bata pa lng, repeat tvs pa ako after 2 weeks

1y trước

akin momsh, no embryo tlga at nag bleeding and abdominal pain din ako ngayon 😢bukas pa sched ko sa ob,

May mga preggy talaga na walang maramdaman kahit na anu. Ako po 31 weeks na ngayon di ako nakaranas ng morning sickness at cravings ng kung anu anu. Magpacheck kana po sa ob. Pra if ever pregnant ka maresetahan kana ng mga prenatal vitamins.

ganyan din ako nun no symptoms at all hanggang ngayon sa 22 weeks na ako hehe.. no cravings at morning sickness. better na magpa ultrasound ka mga 7 weeks para makita if may hB na si baby usually 6 weeks to early pa baka pabalikin ka lng

best na magpacheck agad once positive pt na also di lahat ng buntis may narardaman and isa pa 6weeks e ganutil lang po yan ng sesame seed kaya di pa talaga mahahalata. wait ka 6-7months, halata na yan.

Hello mommy. Nun ako wala akong morning sickness, Super antok lang nung 1st couple of months. Never ako naduwal or nasuka hehe pa-check up ka mommy iba iba rin kasi pregnancy. Good luck on your journey!