aswang

hello poh.. naniniwala poba kayu sa aswang? Ilang months po ba inaswang ang mga buntis?? Ty po sa sassgot

47 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

para sakin totoo 3yrs ago nag buntis ate ko nasa iisang bahay lang kame kasama ung bunso namin. 7 months na sya nun tapos mga bandang 2 or 3am bigla nya kong ginising tas sinabi nya naririnig moba yun sabe ko ang alin ung kaluskos sa bubong at ung nag sasabi ng tiktiktik, tumahimik ako non para pakinggan yung ingay at totoo nga wala pa naman kaming kasamang lalaki non kase nag tatrabaho asawa nya sa manila. inutusan nya ko kumuha ng asin ilagay sa pinto at bintana e ung bintana pa namin non nasira may puwang. kaming 2 nanginginig sa takot tas paubos na din ung asin namin🤣 buti may bawang pa kami kaya kahit takot na takot ako pinilit kong tumayo at budbudan ung ate ko grabe ung takot di kame makatulog hanggang sa inantay na mag umaga. kinaumagahan nun ung katabi naming bahay na buntis din ganon din naramdaman nya di din nakatulog sa takot

Đọc thêm

yes, totoo po ang aswang. naka experience na po ako nyan nung buntis ang nanay ko sa bunso naming kapatid. then ako naman yung buntis ngayon na experience ko din hinabol pa sya ng mga tao sa bahay namin kasi nasa bubungan talaga namin sya around 11pm-12am then naglagay na kame ng mga asin and bawang sa lahat ng bintana namin pati sa terrace. pero totoo yung pag maingay yung pusa, or pag maraming pusa sainyo ng biglaan, may buntis raw sa loob ng bahay na yun and yes ako yun hahaha bigla kaming nagkaroon ng mga alaga at pinapakaing pusa kasi lagi silang nakatambay samin siguro nasa lima or minsan anim pa sila gabi gabi nag iingay at natutulog sa terrace namin. #8monthspreggy

Đọc thêm

naexperience ko to sa sobrang paranoid ko. last night kc hindi pako makatulog so kami ng kapatid ko nanuod ng movie. tapos biglang may kumalabog sa bubong namin. sobrang takot at panic ko talaga nun. Ginawa ko naglagay agad akonng asin & bawang sa bintana tska sinuot ko ung rosary namin then nung umaga na pinasilip ko don sa kapitbahay namin ung bubong kasi makikita daw ung sign na meron aswang na mapunta don. Un pala ung puno ng mangga na katabi namin nagsihulugan na ungbunga Hahahahah! pero ayon nga sabi din ng lola ko mas better na ung nagiingat kaht hindi hinri naniniwala :) at sympre tiwala kay god.

Đọc thêm
Thành viên VIP

based lng to sa exp ko. 2years ago merong mabigat na naglalakad sa bubong namin, btw wala kami kisami yero lng tlga (2nd floor) . 1month p lng akong buntis. around 9pm,iniisip n lng nmin ng lip ko na pusa yon kaso rinig na rinig namin na hinihingal yung nasa bubong sbi ng lip ko wag n lng pansinin higpit ng yakap ko sknia. then after 2 days lng nakunan ako. Now, pregnant na ulet ako. everytime na mag naglalakad sa bubong ulet kung pusa man yan o kung ano man nagpapatong kagad akong tshirt na black sa tyan ko tapos asin bawang sa gilid ng higaan ko.

Đọc thêm
4y trước

Ulit, hindi ulet

Iwan dko po alam if totoo yung aswang ir titik??! Bxtah napansin ko this past 2 two months second trimester ko, lagi maingay yung bubung nmin pag sapit ng 12 mid night pusa panay ang takbo sa bubung naiirita ako kz sa mismong bubung lng nmin xa nag stay, tpux bgla tatalon gnyan lagi gabi2...ndi nman ako na tatakot pero xmpre iniisip ko yung pinag bubuntis ko kaya nag lalagay ako ng bawang at kalamansi panguntra.. tpux nilalagyan ko ng itim na damit ang ibabaw ng tyan ko.. Wla nman mawawala if mag duble ingat tau

Đọc thêm

Opo, 8months na po ang tyan ko, nagising ako mga around 12 tapos naka open naman yung electric fan namin gulat nalang ako dami na nang pawis ko pero anlamig tapos nasusuka ako at nanghihina. Pero pilit ko rin binabangon sarili ko para sumuka, kinaumagahan nag tanong ako kung napano ako, tas sabi nang mga tinanongan ko, inaswang daw ako, tapos mag advice nila saken na mag suot ng damit na itim mag tapon nang asin sa bobong, bawang na hinimay at tubig sa tabi. Tas nawala din, ilang beses na ako inaaswang.

Đọc thêm

lockdown din aswang tsaka di ako nakaexperience buong pregnancy ko 😁😁 bukod dun sa nag bbike na pabalik balik sa tapat ng bahay namin 1-4am pag nagigising ako tapos yung way ng pag bbike nya di sya napidal yung isang paa nya nasa pidal pero naririnig ko yung kadena ng bike na naikot gulong pero di ka nagpipidal yung ganun tapos yung isang paa nya kinakaladkad nya lang ng nakatsinelas sya pero pag sisilipin ng asawa ko sa bintana wala namang tao..

Đọc thêm
4y trước

ang creepy nmn nian.

Ung sakin po nasa first to second trim ako. May pusa lagi na maingay sa gabi lalo na sa madaling araw. Lalo na pag wala ung hubby ko kasi nytshift sya minsan. Di ako makatulog kasi parang may nagbabantay sakin tas iyak ng iyak ung mga pusa sa bubong at sa labas ng bahay. Sabi ng tita ko maglagay lang ako ng asin palibot sa kwarto especially sa pinto at sa bintana then yon nawala naman na. Minimal nalang ung ingay ng mga pusa. Btw 29 weeks preggy here 😊😊

Đọc thêm

May mga ingay talaga pero normal na sa bahay namin may pusa sa itaas ng bobong tapos mag iingay kahit umaga, hindi ko panaman napaatunayan na totoo pero yun yung sabi2 ng parents ko kaya palage akong nagdadasal hinihingi yung safety namin ni baby sa pagtulog kasi alam kong sya lang makakapagpigil sa mga masasamang nilalang na nandito, kaya keep on praying nalang po para sa safety ninyo yan ang armas natin🤗

Đọc thêm

Naniniwala ako Kasi sa first baby ko Gabi Gabi may dumadapo sa bubong namin 7-8 months Yung tyan ko noon,mismong mga kapit bahay nmin Nakita nila,hinabol NGA nila Ng Ng itak Yun kaso mabilis talaga Yun Kasi patalon talon Lang sila sa bubong,,walang masama Kung mag iingat .pero Hindi nmn po Yan mag lalakas loob na pumasok sa loob Ng bahay,pro dapat my mga pangontra ka pa Rin sa ganyan,

Đọc thêm