11 Các câu trả lời
problem ko din yan mommy mg 2yrs old n baby ko pure breastfeed hnd sya sanay dumede s bote kht ilagay ko milk ko ayaw nia gusto lng nia sakim lng sya dedede and im 11weeks and 2days pregnant ngpachck up ako s ob ko my mga tanong sya at isa n dun ung abt s pananakit ng puson at balakang sabi ko nabigat po ung puson ko lagi saka nasakit din ung balakang inadvice ng ob ko n pilitin itigil ung pagpapabreastfeed dahil isa s cause kaya ko nararamdaman un dahil ngpapabreastfeed pako kung hnd ititigil pwede magslide c baby palabas ang tawag kapag nasakit ang puson at balakang nagcocontruction mahirap kaso itigil ang pagpapabreastfeed malakas ndin nmn kumaen c baby kaso hinahanap hanap talaga nia ung dede ang gngawa ko nmn sis para hnd dumede madalas nilalagyan ko ng vicks aun kpg naamoy nia tinatanggihan nia pero pnpadede padin kc kawawa naiyak hnd ko din alm kung paano ko maaawat c baby ko nkakaawa kc
Kung iyon po ang payo ng doctor, sundin nyo na lang po. Safe po ang continues breastfeeding during pregnancy if NOT high risk. Pero sa case nyo po, mukhang high risk po kayo dahil nagbi-bleeding na nga, so sundin nyo na lang po. As for weaning your 3yo, you greatly need the help of other household members to distract sya kapag naghahanap ng dede. Kung 3yo na, nakakaintindi na po at pwede nang mapaliwanagan. Be gentle but firm sa paliwanag. Nakakaawa po talaga kung biglaan ang pagwean pero no choice na po kasi kayo. Nagwean ako sa panganay ko around 2y8m old sya (almost 2months preggy na ko sa 2nd). Iyakan talaga sa simula, nag-offer ako na hawak at amoy na lang sa dede, ok naman sa kanya kahit papaano, better than nothing. Give lots of hugs and cuddles rin po kasi more than the milk and feeding itself, it's the comfort and bonding with you ang hinahanap nya ☺️
kasama po kase sa birth control ang breastfeeding....pag pure breastfeed ka sabi ng doktor hindi ka agad mabubuntis pero hindi sya 100% safe kaya marami parin ang kahit pure breastfeed nabubuntis agad kahit hindi pa din nagkakaroon ng regla after manganak...kaya nakakaapekto sa fetus ang pagbbreastfeed...try mo po tiisin na wag sya padidehen sayo mommy pilitin mo syang dumede sa bote....para din naman po iyon sa safety ng fetus sa tyan mo...ganun po ginawa ko sa panganay ko para mahinto sya sa pagdede saken...bad side nga lang nung akin nagkaroon sya ng habbit na pag matutulog sya kailangan nakahawak sya sa dede ko ...pero nasasainyo parin po yun...advice lang po ang akin🥰godbless mommy kaya mo po yan
Sakin naman sa unang ob na pinuntahan ko sabi, itigil na pag BF ko. may 1year /3months Ako na baby pure BF. tas buntis po Ako now ,3months na. Ang hirap I alukin Ng bote c baby. Hanggang sa pumayat tlga sya. ginagawa Namin. kulong lng Ako Ng kwarto maghapon di ako nagpapakita. Hanggang kunti kunti dumidede na sya sa bote pero ung baby ko malakas Kumain. nagpasuggest din kmi Ng mga gatas, khit Ang mamahal, ayaw parin. tas dumating ung point na ung Isang Dede ko nawalan na Ng milk . ngayun Gabi nlng nadede c baby. parang pampatulog nlng. pero sa ibng ob nman . ok lng na wag itigil Ang pag breast feeding. .
Kung yun po sabi nang Doctor mii. 3years old na din sya malaki na. Kawawa naman si baby nyo na nasa tummy. Sge lang me i try nyo lang nang i try aawat din yan si baby nyo. Yung sakin kasi mix sya e. Nagwowork kasi ako. Now 4years old na sya pero nag dinedede nya yung hinlalaki nya hahahaha. Yun yung pangpatulog nya, dati ayaw nya tumigil dumede sa bote. Pinaliwanag ko lang maayos sa kanya mommy kasi 3yrs old na din medyo nakakaintindi na din baby ko nun and now sa baso nalang sya nag mimilk 4yrs old na sya. Tpos pangpatulog nya yung tumps nya hehehe
ganyan po nangyari sakin last year, nakunan ako 8weeks dahil ayaw tumigil.mag breastfeed ng 2 years old ko. kaya sinuggest ng Doc, na kun mag baby ako ulit, turuan ko muna si baby na nag bote or baso. bago siya nag three, sinama ko siya sa checkup siya yung sinabihan ng Doctor, simula nun hindi na nag dede. Buntis na po ako ulit 5 months.
mhie nag contraction kasi tayo if nag breastfeed kaya prone ka sa threatened abortion o miscarriage. Listen to your doctor and 3 yrs nmn na baby mo kaya keri na d dumede. Lagyan mo maanghang dede mo or kung ano yung ayaw nya para d na ma dede kasi mas kawawa unborn baby mo kung makunan ka
ganyan dn po nangyari s akin last year... nakunan ako ngppbreastfeed ako s 3 yrs old panganay ko kaso di ko alam na buntis ako.. nung pagkacheck-up ko s ob, pinatigil niya pgpapabreastfeed ko kaso late n siguro kaya humina kapit n Baby..
mi try nyo po lagyan ng coffee breast nyo ganun po kasi ako nung baby ako lahat daw ginawa na ng nanay ko ultimo sili kape po baka effective din kay baby
lagyan mo ng katas ng dahon ng ampalaya momshie. yun kasi ang nakapag pa awat sa 3 years old ko .