Hello po.
27weeks na po ako, at sabi ng OB ko last check up ko, maliit pa nga daw po si baby kaya sabi nya, "hindi muna kita istop kumain ng madami, basta kain ka lang muna."
So ayun nga po, kumain nga lang po ako ng madami. Lately sobrang bilis ko ng magutom. Puro bread yung kadalasan kong kinakain. Tapos tanghali at gabi, rice po, minsan nakaka 2 or 3 cups ako ng rice.
Tapos kanina, sobrang gutom ko, nagcrave ako sa chichirya at sweets na never naman akong nahilig nung di ako buntis.
Ngayon natatakot ako kasi baka sobra-sobra na yung kain ko.
Normal lang ba yung ganto kagutom lagi mga momsh?
Thank you po.