Weird sleeping routine
Hello po. Turning 1 year old na po baby ko this coming Monday, July 31. Nag aalala po kasi ako sa sleeping routine niya. Ganito po siya usually: Between 10-11pm siya madalas nakakasleep. Usually, nagigising siya ng mga 2am. Pero today mahaba haba naman, nagising siya, 4am na. Then after ng gising nya ng 4am, nakasleep na siya ng mga bandang 6:30 am. Then nagising na naman ng 8 AM. Bakit ganon? Ano pong dapat gawin para mabago itong routine na to? Nag aalala kasi ako na this might affect his health. Pinacheck up na din naman namin siya regarding this and inadvise samen ng pedia is painumin siya ng cetirizine (allerkid) bago magsleep kaso di naman effective sa kanya. Just for added information: WFH kami parehas mag asawa and gising kami ng madaling araw kaya iniisip namin baka factor yun Kaya siya nagigising. Pero nung mga nakaraang buwan di naman kasi siya ganito. May nakaexperience din po ba nito? Pano nyo po naayos sleeping routine nya? First time mom po ako kaya di ko talaga alam gagawin. Thank you sa help in advance.