BABY ACNE OR RASHES?????
Hello po! Super duper worried na ako sa baby ko. May naka encounter na po ba sainyo ng ganito? Sabi normal lang daw. Sabi naman hindi na normal. Dadalhin ko siya sa pedia mamaya pero ano po kaya magandang sabon para sakanya? Kasi po nung nag johnsons kami na sabon lalong dumami. Naaaning na ako. Parang ako yung nahihirapan. Plano ko sana mag mustela. ???
Yung baby ko meron din sa may noo, at konti sa pisngi.. Nag pa check up kami momate binigay nang pedia niya.. Peru hindi nman ma wala-wala.. Nilagyan ko na nang breastmilk ko, Pati sabon niya nka 3 klase na ako.. Sabi nang mga matatanda, hayaan ko nalang daw muna... 😔
Yes. At least for me. We had the worst skin conditions when Sharkie was newborn. As in! Nakakaiyak but she soon grew out of it. Keep a stick of Mustela bath oil for relief in itchiness and desowen ba un? Make sure it’s prescribed by your doctor.
Cotton at warm water lang muna ipunas mo sa mukha ng baby mo.. bsta ung cotton palitan mo kada wipe pra hindi pabalik balik ang dumi sa mukha ni baby. Ganun ginawa ko, nagwork naman sa baby ko, hindi sya nagkarashes masyado. Magkaron man,kaunting kaunti lang
DUCK BATH po momshie. Huwag niyo po muna sabunin or lagyan ng kahit ano. Sensitive po skin ni baby. Nakatatlong klase na din ako sa sabon pero nung ginawa ko yung duck bath unti unting nawala. Try mo lang momshie :) i hope it will help 😊
Wag niyo po sabunin. Tubig lang :)
Lactacyd mo po sya ate.Gnyan Yong baby dti NG tita ko super sensitive balat lgi may mga bungang araw at rashes.Pero consult nya sa doctor yon nereseta sa knya.Pero mganda p Rin pa check up mo p Rin si baby for good.
Much better po mamsh kung wag nyu muna lagyan ng sabon si baby kapag naliligo.. May ibang sabon po kasi na imbes maka lessen ng rashes is mas lalo pa dadami.. Warm water lang po muna ihugas mo sa kanya..
Opo, mainit kasi yan.. Basta yung medyo maligamgam mamsh para mabawasan yung mga bacteria, ilayo nyu din po si baby sa mga maalikabok para hindi sya ma trigger..
Cetaphil baby po na pwede shampoo at buong katawan. Nagka ganyan din po baby po, pinalit ko nag cetaphil baby. Naging okay at makinis kagad sya. Hindi kasi hiyang sa lactacyd at baby dove.
normal lng po tlg s baby ang mgkron nian, pro pg gnian n po kadami di po normal at nkakaworry tlg. . ung pedia po mgbbgay best na gamot pra ke baby ,hope he/she will get better soon.
Gnyn dn baby hnggng braso nya.. Lalo pg naiinitan.. Pru sbe ng mama q gnyn dw po tlga hbng lumalaki nmn dw po mwawala dn yn.. Ngyon 3mos na baby q makinis n balat nya
Salamat po sa mga advice ng nga mommies. Natutuyo na po yung baby acne niya. May nawala na pong malaking patch sa mukha niya. Maraming maraming salamat po! ❤❤❤
Cetaphil cleanser po lukewarm water lang at cotton po pag dry na yung cleanser sa face ni lo. Ngayon po wala na yung malalaking patches.
Queen of 1 adventurous princess