Hello po sino po dito same situation sa baby ko. Baby ko po Kasi is 8 months na maliit pa rin. 6.9 kg pa rin tapos height nya 64 cm lang. Hindi po sya bf Kasi ayaw nya pong dumede sa breast ko, nagtry po aKong mag pump pero 30 ml lang po talaga nakukuha ko. Andami na pong formula na try namin para tumaba sya. Natry na po namin enfamil plain and gentlease, nan hw,pedia sure,similac plain, similac neosure,lactum,nestogen,bonna and now po similac tummy care. Mahina po talaga sya dumede,mahina din po kumain ginawa ko na po lahat ng pwd gawing puree. Sakitin din po sya di nawawala ubo't sipon nya.pabalik2 na po kami sa pedia nya. Binigyan na po sya ng heraclene sa pedia nya,pampagana daw pero parang no effect pa rin. Sino po dito naka try sa reliv? Maganda po ba talaga sa mga baby? Salamat po sa mga sasagot.