Subchorionic hemorrhage
Hello po. Sino po dito nakaranas ng vaginal bleeding dahil merong subchorionic hemorrhage? Complete bed rest po kase ako ngayon. Tapos niresetahan ng mga gamot na pampakapit. Sa mga same case ko po, naging okay din po ba kayo ni baby? 8 weeks pregnant po.
yes po ako naranasan ko magka subchorionic hemorrhage nung 11 weeks yung tiyan ko. nagbedrest po ako ng 1 month then naging okay din po ako. basta sundin niyo lang po si doc wag po kayo magpapastress and pagod. 36 weeks and 4 days na po ako now😊
me, naranasan ko sya 10 weeks na. as in bawal talaga mag kikilos, magbuhat ng mabibigat. tatayo lang pag kakain at maliligo. after ilang weeks nawala na din at naging normal na lahat. now 31 weeks na, and having a healthy baby girl 🥰❤
me too .sa 1st and second baby bedrest po talaga ang kailangan . awa ng dyos 5 years na si 1st at 5 months na si 2nd . sacrifice talaga pag ganan mommy 😘😘😘 Laban lang worth it naman yan pag labas ng baby mo 🥰
Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-4500181)
same unang trans v. ko may subchorionic hemmorhage ako lagi nananakit balakang at puson ko at spotting din, nawawala naman yan mi basta inumin mo lang yung pampakapit at wag kikilos ng gawaing bahay yung saken po wala na
me, naranasan ko sya 8 weeks ako ! as in tatayo nalang ako pag kakain or maliligo. then non dumating ng 13 weeks naging normal naman lahat ☺️ Btw 29 weeks and 4 days nako today ☺️
Đọc thêmako po, during 10th week pero hindi po ako nagbleed/spotting, nakita po sa first ultrasound ni baby (2.9x1.1x1.3cm or approximately 2.1cc), then nagreseta lang din po yung ob ko ng pampakapit. during that time hindi ako makapag bed rest kasi wala akong choice pumapasok pa ako sa school at tago pa yung pagbubuntis ko e panay ang gala lakad namin ng mga friends ko after ng classes. pero thank God wala naman pong nangyaring masama sa baby ko at kusa na pong naclear yung subchorionic hemorrhage ko nung 15th week. ngayon 29weeks & 6days na po ang tiyan ko. at healthyng healthy po kami ni baby (maliban sa mabilis na paggain ko ng weight hehez).
same 14 weeks trans v. subchorionic hemorrhage din findings, pahinga at iwas stress po. Now 1 week na kami ni baby nakaligo na din kame ☺️ dasal lang mi Godbless you and your baby!
Ako po 8weeks nagka subchorionic hemorrhage . Bedrest lg neresitahan ako ng pampakapit pero d ko ininom bedrest lg po ako ok namn baby ko ngayon 6months na sya
subchorionic hemorrhage na naging blighted ovum, akala ko uti lang pag sakit ng balakang ko 😔 wala na pala si baby 😔 agapan mo yan mi
duphaston duvadilan heragest po yan tatlo ang ininom ko pero nong 4months nag stop na ako kasi ok na
Preggers