Kabet.

Hi po share ko lang po story ko po hingi na din po ako advice. May ka live in partner po kasi ako at may anak po kami nagkaroon po siya ng babae. ni reach out kopo yong babae kinausap ko sya na putulin na kung ano man ang namamagitan sknla ng asawa ko at tigilan nya ndn ang kakatawag sa asawa ko pero di nya ko nireplyan at blinock po ako sa lahat ng accounts nya kaya kinausap ko na asawa ko as usual mag dedeny sya. One day nalaman ko na naman na tumawag yong babae sa asawa ko natutulog kami non edi chinat ko sya ulit gamit ibang account as usual pinagsabihan ko sya ulet na tantanan na asawa ko pero dedma pdn sya tinuloy pdn nya pakikipaglandian sa asawa ko knowing na may anak at kinakasama na ang lalaking nilalandi nya. Nabasa ko lahat ng convo nila ng asawa ko at don ko nalaman na may nangyri sknlang dalawa sobrang sakit parang dinudurog ako. Kaya ang ginawa ko chinat ko ulit yong babae at pina amin ko sya nung una ayaw nya aminin lahat at humihingi na sya ng sorry sa nagawa nya pero iniinsist nya na may nangyri sknla pero bandang huli napaamin ko sya inamin nya skin kung kelan saan may nangyri sknla sa sasakyan daw and don daw sila nagpnta sa overlooking ng gabi na yon. Sobrang sama ng loob ko ilang beses ako nakiusap sknya para layuan ang asawa ko pero di sya nakinig. Sa sobrang galit ko ipinost ko sya pinost ko usapan namin sobrang gulo na ng isip ko non diko na alam gagawin ko inaway ko asawa ko umalis ako kasi di ko na kaya. Ngayon nakita yon ng kapatid nung babae ng asawa ko chinat ako ng kuya nya pero imbis humingi ng pasensya at makiusap na burahin ang post nakisawsaw at inaway ako kaya daw ako niloloko ng asawa ko dahil di naman daw ako maganda at baka daw manloloko din ako kaya ako niloloko winish pa nya na sana karmahin daw ako sa ginawa ko sa kapatid nya at kung di daw ako yong anak ko daw sana ang makarma 2yrsold na babae lang yong anak ko bakit nya sasabihan ng ganon sana ako nalang. Ngayon sinabi nila idedemanda daw nila ako paninirang puri daw ang post ko po is convo namin nung babae na umaamin sya sa ginawa nya kaya i dont think na sinisiraan ko lang sya. Just in case po magka baranggayan po ba may laban po ba ako? Tska di naman po yata tama na idamay nila anak ko sa issue na kagagawan naman nila. Salamat po sa pagbabasa ? need ko lang po maglabas ng sama ng loob.

23 Các câu trả lời

VIP Member

sorry to hear about your situation, mommy. may karapatan po kayong magalit bilang common law wife po kayo. nakakgalit yung mga babae na pumapatol sa may kinakasama ng iba pero mommy, sa totoo lang po, dapat po sa asawa niyo po kayo magalit dahil kayo pong dalawa ang may commitment sa isa't isa. kayo po ang may relasyon. kahit sino pa mang babae ang rumampa sa harap niya, dapat po hindi niya pinapatulan. yung tungkol po sa kaso, ang masaklap po is yes po pwede sila magkaso against you. ang libel po kasi hindi tinitignan kung tama o mali ang paratang ninyo, basta po may malice involved, pwede po makasuhan. meaning kahit totoong kabit siya tapos ipinagkalat mo, pwede kang kasuhan. yun po pagkakaintindi ko but baka po may lawyer po kayong kakilala na mahingan ng legal advice. since they involved your child, pwede niyo po din silang kasuhan ng violence against women and children. ask din po lawyer kung pwede po itong kaso na ito.

May laban ka sis, first of, wala ka namang sinabi na hindi tama you're just stating a fact. Hindi siya pasok sa cyber libel. If ever na magsampa sila ng kaso the go ahead. Lalo lng nila pinangalandakan ung kababuyan ng immoral niyang kapatid. Regarding naman sa asawa mo, mahirap ilaban kasi hindi kayo kasal but you can file VAWC po for emotional abuse, nakapaloob na po dun lahat ng abuses na pwede niyang gawin sayo. Cheer up mommy! 💓 Isipin mo ung anak mo, wag ka panghihinaan ng loob. Ang pinakamagandang weapon is prayers, seek help from Him, hindi ka niya papabayaan. Kaya mo yan 💓💓💓

I don't know about dyan sa post post na yan pero kung sguro inamin nya mismo sayo at yun ang pinost mo yung paulit ulit mo ng pinakiusapan di padin pumayag sguro naman walang kaso ng cyber bully yon. Not sure lang. Wala ka kaseng laban dahil di kayo kasal, kahit ilang babae pa ang meron yang LIP mo wala kang magagawa. Hindi mo sya asawa. Magfile ka nalang ng VAWC para sa sustento ng bata. Wag mo na balikan sis mamaya magkasakit kapa dyan lalo na kung kani kanino napatol. May mga ganyan talagang babae pakiusapan mo na sila pa matapang. Karma na bahala sakanila.

Kasal PO ba kyo ipatulfo mo ate pra sa sustento Ng anak niyo hyaan muna sya Kong kinausp muna asawa dpat asawa mo Rin lalayo SA babae Niya Kong mhal ka tlga pero pinag patuloy parin nla Ang relasyin nla hyaan muna mkipag hwlay ka nlng Ng maayus tska ate my karma at mkakahanap kpa Ng lalake na mamahalan at di ka lolokohin at tatanggapin ka khet my anak kna ngyun isipin mu muna ank mo hyaan mo Yun tatay Ng anak mo nnjn nmn c papa god pray Lang ate my mga lalake tlga di Marunong mkuntento pray lng ate

VIP Member

Kapal nmn ng mukha ng lip, ng babae at kapatid ng lalaki..wow ha!..cia pa magdedemanda??hingian mo ng sustento ung lalaki sis..kung kasal sana kau malakas ang laban mo sana pro hnd.kaya sa sustento ka bumawi at pag hnd un naibigay ikaw ang magdemanda!.kapal.nakakagigil mga gnyan!!!..na carried away ako masyado.hehe.. Pro sis kaya mo yan.tama yan na umalis kn saknia dhl wala ciang respeto sau..bastos cia..aanihin nia yang gnawa niang yan sau sis

VIP Member

May laban ka sis, screen shot mo yung convo niyo ni girl tapos yung convo niyo ng kapatid ng asawa mo. Ang laban mo sa lalaki ay VAWC at kung ayaw niya makukulong naman siya Basta lahat ng evidence mo ipresent mo sa brgy. Kung ipabargy ka ng kapatid niya isama mo din yung asawa mo para yung kabit maiprisenta niya sa harapan mo. Kung kakasuhan ka nila ng cyber bullying may laban ka parin basta idefend mo sarili mo may ebidensya ka naman.

Alam mo sa barangay level susubukan lang kayo pagayusin. Kung hindi kayo magkaayos, magisyu ng certificate to file action (demanda) sa complainant. Kung may pera sila eh di magfile sila ng kaso. Sila na yun kumabit, sila pa matapang. Saka yun live in partner mo ano inosente? Ikaw lang namomoblema? Sya dapat mamoblema at sya gumawa ng gulo. Isipin mo din baka kaya ka niloloko kasi nagpapaloko ka.

Sis wait naguluhan ako kc sa unang statement mo live in partner mo siya pero tinawag mo din n asawa? Magka iba kc Yun in case n mambabae live in partner mo wla k Po habol un consequence ng di kasal.. sustento lng tlga mkukuha mo.para sa anak niyo.. pero Kung kasal kayo Pwede mo yang gawing evidence.. pero dun sa claim ng kuya ng asawa mo not sure sa paninirang puri na accusations sis sorry..

Normal to sa mga live in partner lang feeling asawa kaya asawa ang tawag nila.

You can file a case VAWC against your live in partner . For posting malicious statement po kahit na mali ung ginawa ung ka affair ng asawa mo. Sa batas kasi natin mali pa din na ipahiya mo sya sa social media kahit na ikaw yung nasa tama. And isa pa, hindi kayo kasal kaya mahirap ilaban din. VAWC lang pwede mo ikaso sa live in partner mo.

Nangyari na din sakin yan. Sa sobrang galit ko pinost ko si girl. Yun yung mali ko. Kakasuhan ako non ng cyber bullying. Ang ginawa ko binura ko nalang yung post at hinayaan ko nalang sila kesa ipilit ko sarili ko sa lalaking walabf kwenta. Wag ka makikipag away sa walang kwentabf tao. Hayaan mo sila. Best revenge is to be happy.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan