Civil Wedding

Hello po sa mga married na sa civil. Tanong ko lang kung need ba isama sa ceremony yung buong family? As in mga kapatid at mga anak ng mga kapatid? Kasi sa side ng asawa ko, 6 sila magkakapatid at 10 na apo ng byenan ko plus pa yung mga asawa nila. Tas sa side ko naman 2 kapatid at 2 apo ng papa ko. If need sila isama, edi dapat bonggang wedding kasi sobrang dami? May mga lolo at lola pa po kaming mag asawa. Dapat po ba lahat sila kasama or invited sa ceremony sa loob?

37 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Parents and witness lang sa mismong ceremony. Then include niyo nalang po family and friends sa reception. 😊 This is what my cousin did sa wedding niya. Civil wedding, parents and witness, then yung reception just like the usual thing na ginagawa sa mga wedding, like mga games, paghagis ng bouquet with a twist, money dance and iba pa. Pero syempre you can still opt for simple kainan nalang, yung iba nagpapabook nalang sa mga resto for their reception tapos family and closest friends lang. 😊

Đọc thêm

Hello po . Kapag mag aabyad po ng requirements sa kasal pag below 25yrs old pababa need pa ng father na kasama sa pag aabyad dahil may pipirmahan daw . Pano po kaya pag wala ng father at mother? Tita na lang po ang guardian ko simula bata . Pwede po kaya yun? wala napo kasi akong parents kundi ang tita ko na nagpalaki sakin. Salamat po sa sasagot.

Đọc thêm
2y trước

Good day maam nakapag pa kasal napo ba kau same case po kasi tayo di ko din po alam gagawin ko

Good day mga madam may nakapag pagawa napo ba dito ng affidavit about sa walang kinagisnang tatay , nanay ko lang po kasi ang meron ako simula pag ka bata ay diko nakagisnan ang tatay ko pangalan nia lang po ang alam ko pera sa Live birth ko hindi po sia nakalagay don ang father ay Unknown salamat po sa makaka answer GOD BLESS US🙏

Đọc thêm

Ang plan namin ng BF ko is Papa nya lang,then parents ko tpos kakaen na lang kmi sa restaurant of meron open or unting handaan sa bahay hahaha para tipid! Ang mahalaga parents saka wala sila magagawa kapag sinabi nyo na nagtitipid lalo ngayon na pandemic. Hnd naman lahat ng invited sa kasal nyo makakatulong sa married life nyo eh.

Đọc thêm

parents lang at 2 sponsor Ninang/Ninong pwede na sa Civil/Judge lang din kami kinasal parents lang 2 brothers ng asawa ko at 2 sponsors. tapos namasyal sa Ocean Park habang inaantay ung oras ng Buffet hours ng Vikings. as in parang normal day lang ung kasal walang nag abot ng regalo sa amin haha 😂

Thành viên VIP

Kaka kasal ko lang po kahapon. Eto lang ang bisita ko, with mayora. And 5 friends namin ni hubby na di kasama sa picture na iyan. Napakganda po ng reception place and setup namin, ginastusan pero di malaki ang gastos kasi konti pinakain. Kung walang budget pwedeng magulang nyo nalang isama.

Post reply image
6y trước

Congrats momsh! Yes, hndi naman kailangan bongga ang importante naikasal at may marriage cert.

No need po.. Nitong January lang po kami kinasal ni hubby. Yung kasama namin ay isang kapatid nya lang saka dalawang witness, yun lang. Biglaan kasi hinabol lang bago ako manganak.. Eh yung nanay nya nasa probinsya pati parents ko nasa probinsya din kaya wala.

Depende siguro kung saan kayo pakasal. Civil wed kami nung June lang. Solo namin yung judge na nagkasal samin kaya lahat ng invited sa reception ay kasama na din namin sa ceremony. Pero kung may iba kami kasabay, baka parents at witness na lang dapat.

Pwede naman depende sa laki ng pag gaganapan ng civil nio malaki kase room ni mayor nung kinasal kami andun 3 witness andun pamilya ng asawa ko nanay tatay pati mama ko tsaka mga pinsan ko. Siguro nasa 12 ung nandun plus 2 kaming mag asawa

Pag civil po sa mayor's office kayo ikakasal. Di po iaallow yung napakaraming tao sa loob. Parents and sponsors lang po kasi may kasama rin kayo sa loob na iba pang ikakasal. Sa reception po pwede yan, sama nyo silang lahat.