Questions tungkol sa happenings after manganak

Hello po sa mga makakabasa neto! ^^ Hihingi lang po sana ako ng advice or recommendation galing sa inyo. Baka may similar experience po kasi kayo. So, 4+ months na po since nung nanganak ako, ok naman po ako and hindi naman ako nakakaramdam ng kahit anong unusual sa katawan ko. Yung pagod, I know, is normal naman especially si baby e clingy, pakarga nang pakarga. Hehe. Netong mga nakaraang linggo lang, nagsimula ko naramdaman na parang namamaga yung part nung kamay ko (see pic), naisip ko siguro dahil sa kakakarga kay baby. Nung una, masakit talaga siya kaya tiis muna ako na di karga si baby, pero recently, mejo umokay na siya. Pero pagttwist ko lang kamay ko, super sakit na niya. Nagttry ako i-hot compress siya kada may chance ako, pero ganun pa din e. And, napansin ko na super naglalagas na ng buhok ko. Ang unusual, kasi kada suklay ko, andaming nalalagas. Kahit lang yata tanggalin ko ang tali ng buhok ko e andami pa din. Yung friend ko ng college (certified titang ina 😄), siya kasi nag-alaga ng 2 pamangkin niya, sinabihan ako recently ng pamahiin nila. Wag daw ipapahila o pasabunot kay baby ang buhok ng nanay kasi maglalagas daw ang buhok ni nanay. First time ko narinig yun, and hindi naman ako ganun ka- mapamahiin na tao e kaya di ko siya alam. So, normal po ba pagdaanan yung ganto ng mga kapapanganak lang, or should I see doctor na? Ayaw ko sana pa-doctor as much as possible, nakakapangamba naman kasi sa labas. Yung husband ko naman,kung ano ano nirrecommend na gawin ko. Mag-check daw ako sa YouTube or Lazada ng products, lalo na daw sa hair ko. Agapan ko na daw kasi baka maunahan ko pa siya mapanot. 😅 Hope to hear from you mga mommy kung ano pwede gawin para umokay na yung kamay ko and tumigil na paglalagas ng buhok ko. #1stimemom #theasianparentph #advicepls

Questions tungkol sa happenings after manganak
38 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Same mamsh pero sakin right hand lang but okay naman sya ngayon ang di ko lang maintindihan yung mga daliri ko ang masakit pag na-pwersa ewan parang nagtrabaho ako ng grabe ganon yung sakit!

Sakin din po masakit yung part na yan sa bandang kanan naman po yung sakin pero 6 months preggy pa lang ako masakit na sya nilalagyan ko nlng po ng salonpas para mawala wala ung sakit nya.

Parihas tau ng nraramdam s part n yon ng kamay dlwng kmay din sa akin sumula buntis ako hanggng ngun n 1month n 12days n baby ko msakit pdin pero hnd n katulad ng buntis ako n maskit tlga

4y trước

Same po parang sa bandang ugat bago nawawala pero may time bumabalik yung sakit

Thành viên VIP

Mommy thumb/wrist po tawag nila diyan. Naka-experience din ako niyan, mommy. Hindi ko na lang matandaan kung kailan nawala. Hahaha pero more than 1-2+ month ko ininda ung sakit. 😅

Thành viên VIP

Hala same tau momsh. Kala ko ako lang nakakaranas. Sobrang sakit. Yung sa akin akala ko gumaling na pero nung na pwersa ulit bigla bumalik nanaman na masakit parang pilay. 😢

sakin ganyan dn .masakit Lalo na igalaw Peru hnd cya namaga.since buntis ako non after manganak.tapos after 6months na ata Baby ko saka pa nawa Yung sakit.

Thành viên VIP

Same din saken. 7months preggy ako nung nararamdaman ko yan ngayon kabuwanan ko na. Mas ramdam yung saket lalo pag ka gising sa umaga

masakit din sakin sa part na yan .. pero left lang.. 38weeks nko .. as right hand thumb ko ang masakit lalo na bagpng gising

me too, may Parang maga or lump Jan sa part na Yan sa kamay ko, Taz sumasakit din sya, it started after 3mos Kung manganak

Post reply image

Sakin din ganyan pero ugat un e namaga hang naging 2 na sila pareho masakit buntis pako nito hanggang ngaun masakit parin