Questions tungkol sa happenings after manganak

Hello po sa mga makakabasa neto! ^^ Hihingi lang po sana ako ng advice or recommendation galing sa inyo. Baka may similar experience po kasi kayo. So, 4+ months na po since nung nanganak ako, ok naman po ako and hindi naman ako nakakaramdam ng kahit anong unusual sa katawan ko. Yung pagod, I know, is normal naman especially si baby e clingy, pakarga nang pakarga. Hehe. Netong mga nakaraang linggo lang, nagsimula ko naramdaman na parang namamaga yung part nung kamay ko (see pic), naisip ko siguro dahil sa kakakarga kay baby. Nung una, masakit talaga siya kaya tiis muna ako na di karga si baby, pero recently, mejo umokay na siya. Pero pagttwist ko lang kamay ko, super sakit na niya. Nagttry ako i-hot compress siya kada may chance ako, pero ganun pa din e. And, napansin ko na super naglalagas na ng buhok ko. Ang unusual, kasi kada suklay ko, andaming nalalagas. Kahit lang yata tanggalin ko ang tali ng buhok ko e andami pa din. Yung friend ko ng college (certified titang ina 😄), siya kasi nag-alaga ng 2 pamangkin niya, sinabihan ako recently ng pamahiin nila. Wag daw ipapahila o pasabunot kay baby ang buhok ng nanay kasi maglalagas daw ang buhok ni nanay. First time ko narinig yun, and hindi naman ako ganun ka- mapamahiin na tao e kaya di ko siya alam. So, normal po ba pagdaanan yung ganto ng mga kapapanganak lang, or should I see doctor na? Ayaw ko sana pa-doctor as much as possible, nakakapangamba naman kasi sa labas. Yung husband ko naman,kung ano ano nirrecommend na gawin ko. Mag-check daw ako sa YouTube or Lazada ng products, lalo na daw sa hair ko. Agapan ko na daw kasi baka maunahan ko pa siya mapanot. 😅 Hope to hear from you mga mommy kung ano pwede gawin para umokay na yung kamay ko and tumigil na paglalagas ng buhok ko. #1stimemom #theasianparentph #advicepls

Questions tungkol sa happenings after manganak
38 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Sa akin po, 8 months palang si baby sa tummy ko nun nag umpisa manakit un kamay ko right hand din po, para nga syang may naipit na ugat, pinahilot hilot ko sa LIP ko pero, parang lalo lang sumakit kaya hinayaan ko na lang muna tas unti unti nawawala masakit lang pag nabibigla akong galaw sa kamay ko. dyan din sa part na yan ako tinurukan ng swero, and right after ko mailabas si baby sa DR naramdaman ko kakaiba un sakit nya pagtingin ko namamaga na kaya nilipat din un swero ko sa kabilang kamay, Up until now, iniinda ko parin un sakit nya may times pa na nabibigla pag bubuhatin ko na si baby. Pero wala ako balak ipa check up. Pang diaper nalang ni baby🤣

Đọc thêm
Thành viên VIP

normal lang po yung sa hair. ako ang ginagawa ko di ako palagi nagshashampoo. palitan sila ng conditioner or water .. sguro in one week 2-3x lang ako nkakapagshampoo.. finger comb lng pg basa ang hair kapag dry na tsaka ko sinusuklay or di ko na talaga sinusuklay hahaha then di ko hinihigpitan ang ipit ng buhok ko.. nagpashorthair na ako preggy pa lang kasi naalala ko sa firstborn ko mas pumangit buhok ko nung bgla ako nagpashorthair nung nakapanganak na ako.. yung sa kamay niyo naman po ipacheckup niyo na lang kasi ako di ko pa naexp yan sa both babies ko..

Đọc thêm
Thành viên VIP

Same po tau mommy ung skin is sa kanan nmn po 5 months na c baby cmula nung ngbuntis aq sumakit na kamay until now masakit parin alam q nquha q ito nung ngeexercise aq patuwad eh kc breech c baby nun at d na sya nwala kahit ipahilot need cgro tlga ipa doctor kc nanood aq sa utube pano sya mwala ang skit wala prin ngyari nqqha po iyan pag maling paggamit ntin sa kamay ntin kaya suggest q ipatingin tlga sa doctor ..ung skin nwawala nmn khit papano bsta snsanay q na d sya nka bend o naiipit pero mnsan maskit kc mali nga ang paggalaw..

Đọc thêm
4y trước

Manood kpo kay willie ong qng pano sya na mabawasan ng pain kahit papano😊

Same na same tayo momshie ang difference lang natin is 3months and 3weeks lang si baby nung nag start sumakit yung left hand ko same area din,pag gising napakasakit tapos pag nagbubuhat or may kinukuha akong kahit anong medyo mabigat gamit yung left hand ko sumasakit or pag nagttwist din, then last week dahil di naman ako nagsusuklay at the first place aalis kami then nagsuklay ako napansin ko grabe yung buhok ko natakot pako kasi everytime na hahawiin ko yung buhok ko may sumasama talaga na hair.

Đọc thêm

Same po momsh na may masakit sa parte ng hands, pagkapanganak ko naexperience yan and tumagal ng ilang months. Nawala naman kusa. Yung sa hair naman medyo nabawasan lang yung hair fall ko nitong nag 1yr si baby, nagstart siguro malagas hair ko 6mos postpartum na, makapal yung hair ko kaya di masyadong halata na nalagas siya, everytime na naliligo ako parang 10 na tao na yung gumamit ng bathroom sa sobrang kapal ng buhok sa drain, di na nga ako nag susuklay right after maligo para iwas hairfall

Đọc thêm
4y trước

nako, relate much sa pagkaligo e andami ding buhok na nalalagas. si hubby nga din nagrereklamo minsan sa dami ng buhok. 😂

Out of topic d q alam kng aq lng b nka experience nto kc skn d q 2 naexperience s 1st born q, yung skn naman nung mga 1st 2weeks p lng bunso q nag ka stiff neck aq as in super sakit muntik n q lagnatin papacheck up q n sna pero naobserve q pag nagpupump aq nawawala sb q bka dhl sobrang bigat n ng breast q because of milk. kia ayun blessing in disguise n dn cgro ung stiff neck q kc pure breastfeed ang baby q nka tipid p kme 😅

Đọc thêm

yan po nararamdaman ko ngayon mommy..naiiyak talaga ako sa sakit, kinakaya ko nlang kze feeling nila nagiinarte ako pag sinabi ko masakit kze kahit paghawak ng plato o tasa masakit talaga siya. akala ko wala na makakaintindi sakin sa sakit na nararamdaman ko kze di ko maexplain kung gano kasakit sa mga kasama ko sa bahay. sobrang sakit niya lalo pagka gising ko sa umaga lalo bubuhatin ko si baby para dumede.

Đọc thêm
4y trước

nako mommy, i so feel you! meron pa ngang times na pag naglikot si baby e natatamaan yung part na masakit. parang mabibitawan ko siya pag ganun, kaya ngaun tiis muna na lagi kami nasa kama, o malapit sa higaan para if ever nangyari yun e madali ko malapag si baby.

naexperience ko rin yan sa first baby ko nung 1-6 months siya yata.. tendonitis yata ang tawag dyan not sure. but what I did bumili ako ng support sa kamay iwas strain... then most of the time I use baby carrier para di mapagod kamay ko kaka baba at buhat yun kasi main cause niyan... eventually nawala din siya without taking any meds para don. hot compress will help din for sure. 😉👍

Đọc thêm

ganyan din po sakin Mommy. 6th months n baby q, masakit p din ung kamay q. hilot hilot q lang xa sa gabi pero masakit p din 😅 lalo sa madaling araw pag malamig. jan sa part n yan aq na'swero ea. di q din alam kung bkit bigla nlang xa sumakit. sv ng mother q bka daw sa pagkkarga kay baby. mawawala din daw. kaya tiis tiis nlang ung sakit 😅 mejo may kamahalan ung check-up ngaun ea 😅

Đọc thêm

Grabe marami palang buntis at nanganak ang may ganito😳 akala ko ako lang😭 nagpa check up na ako binigyan ako pain reliever then pag di daw nawala meron iinject dun mismo sa may namamaga tapos pag di pa rin nawala ay surgery na, parang kakaskasin daw yung tendon😭😭 gusto ko na nga pa surgery kasi bumibigat na si baby baka di ko na sya mabuhat pag pinabayaan ko to 😢😔

Đọc thêm