20 Các câu trả lời
April 2, 2015.. (Maundy Thursday) I was invited by a friend na makihalubilo sa get-together party sana nilang magkakaibigan. Wala pa kong 1 year nun na nakatira somewhere in Quezon City. Bilang lang ang mga friends ko that time since kakalipat ko lang from Pasig to QC. Tapos ang routine ko lang, trabaho-bahay-trabaho almost everyday at wala sa plano ko makipagkilala talaga at makipagmabutihan sa kahit sinong lalaki noon. So, ayun si ate Khaye (the mutual friend) ininvite nga ako sa bahay nila nung Maundy Thursday kasi alam naman niya na wala akong lakad at plano ko lang magburo sa bahay, manunuod lang ng kdrama. 😆 Ayoko talaga pumunta that time. Pero kakukulit at kakakunsensya sakin ni ate Khaye eh napapunta ako. Niligaw pa ko ng very very light nung nasakyan kong tricycle papunta sa bahay nila. I was expecting na madami bisita coz I was told na get-together party nila yun ng mga dati niyang kasamahan sa work at friends noong nagtratrabaho pa siya sa City Hall. Kamukat mukat ko. Ako lang ang dumating. Nagsipagcancel yung mga invited niya kuno. Sa part ko, bilang introvert din ako talaga eh no problem kung wala nga nagtuloy pumunta. Akala ko talaga ako lang bisita, until few minutes passed at may dumating pang isa. Yun na si hubbydo in the future. I didn't expect myself to fall for him. Kasi during that time ang tingin ko sa kanya. Kuya. Di hamak kasi na laki ng agwat ng edad namin. 10 years. Hindi ako nalove at first sight sa kanya. Laugh at first sight pwede pa kasi nung papasok palang siya sa pinto ng bahay at makita niya kong nakaupo sa sala, ang lolo natin napaayos ng hair at napapunas ng medyo oily face. (Pagbigyan, mahal na araw yun. Katirikan talaga ng araw nun 😆) Pero chill lang ako. Nag hi sakin, nag hello lang ako. Tapos cp, cp, fb,fb saka nanunuod ng show ni Sharon at Jay Manalo sa TV 5 nun. Nakalimutan ko na title basta yung mag-asawa sila, replay lang yun. Ang suot ko pala that time, simpleng white shirt, maong pants saka nakaslipper lang ako na minnie mouse 😂 No make up look. Pulbos lang. Natural na tuwid ang mahaba kong hair kaya keri na kahit simpleng gayak lang. Nag aya si ate Khaye at si future hubby do na bumili ng food sa labas. Lakad kami, kung nasang side ako. Dun pilit pinupush ni ate Khaye ang lolo natin, lumilipat naman ng side ang lolo. Sa isip isip ko, "huy ano ka? Ako pa iwasan mo? Itong ganda kong ito at batang bata? Napapanot ka na nga!" ( Naasar lang ako kasi iwas nga sakin eh sanay ako na dinidikitan pag nalaman na dalaga ako 😆) So, I was 25 then. He was 35. Naubos ang oras namin sa maghapon na kaming tatlo lang. Nilalayasan pa kami ni ate Khaye, lumilipat sa kapitbahay. Little did I know na set up pala yun para maging magkakilala kami ni hubby do. He had an idea back then, ako totally walang clue. Ilang beses ako tinanong nun ni hubby do kung san ako umuuwi, anong oras ko plan umuwi? Sa part ko, ang panget ng dating. Parang pinapalayas na niya ko. Akala ko gusto niya masolo si ate Khaye. Mukha kakong kaya iwas sakin kasi si ate Khaye ang type. Nagsabi ako na by 8pm uuwi na ko. Tumango lang si lolo. Sumapit ang 8pm. Nagpaalam na ko kay ate Khaye na uuwi. Nagulat pa ko na gumayak na din umuwi si hubby do. Nadinig ko pa na usapan nila na ihahatid daw ako sa bahay. Sa isip ko, "no way!what the heck! ano ko bata? kaya ko umuwi mag-isa!" Pero hanggang isip ko lang yun. Hindi ko naman isinatinig. So, ayun sabay na nga kami lumabas hanggang sa sakayan. Inaya niya ko kumain ng halu-halo sa Chowking. Pero di natuloy kasi wala ice cream. Nafrustrate ang lolo mo, dahil lang walang ice cream ang halu-halo. 😆😆 Tawang tawa ko sa kanya deep inside kasi parang yun lang narattle na. Nauwi kami sa Jollibee. Mapagbigyan lang siya umorder ako ng sundae kahit uwing uwi na ko. Ininterbyu niya ko ng konti sa Jollibee, jinoke ko pa siya na "ano ito slambook? interbyu ba ito ni Boy Abunda?Asan ang mahiwagang salamin?" Yun ang ice breaker. Natawa na lang siya sakin. Hanggang sa naglalakad na ulit kami papuntang sakayan, iniinterbyu pa din niya ko about myself. Anong height ko ganun. Insecure sa height si lolo natin kasi mas matangkad ako sa kanya 😆(one of the main reasons kung bakit di ko siya type during those times. Di pasok sa banga ang height) Sa sakayan, pinara ko agad yung jeep na papunta sa area ng bahay na tinutuluyan ko. Di na ko nagpaalam sa kanya. Nagbye na lang ako agad pagkasakay ng jeep with matching kaway kaway pa. Out of way, magkabilang daan kami kaya di na din siguro niya ko pinilit ihatid plus ang bilis ko nga kasi sumakay sa tumatakbong jeep. Makaiwas lang. Buti di ako nakaladkad 😆😆 Nun pala nagkainteres siya lalo sakin kasi ang ilap ko nga. Kinulit niya ng kinulit si ate Khaye na iset up ulit kami para sa second date na wala akong malay na date pala. 😆 Pinagbigyan ko, since mutual friend namin si ate Khaye. We were like sisters nun, sanggang dikit kumbaga. Hanggang ang second time, naging third, fourth, fifth at di ko na namalayan na tuwing rest day ko magkasama kami. Pag may time siya, dinadalaw naman niya ko sa work kahit malayo talaga ang uuwian niya sa inuuwian ko. Nafall na ko at nadevelop. Kasi kahit di siya katangkadan, mabait siya. Joker din like me. Responsible naman. May pangarap sa buhay and bilang mas matanda siya sakin ng 10 years feeling ko binebaby ako lagi. Hindi kami naging old school na ligawan. Friends lang muna then getting to know each other stage, nagdate ng nagdate hanggang exclusively dating na at naging official kami nung ikiss niya ko sa lips. First kiss ko ang lolo natin. 😅😅😂😆 In love na din ako sa kanya noon. At bilang pangako ko sa sarili ko na ang unang lalaking papayagan kong makakiss sakin, siya na mapapangasawa ko. Ayun. Naging kami. And guess what? Heto asawa ko na nga. And we are expecting our first baby boy sa June. 😊 Napahaba ba masyado? Haha naisulat ko na yan sa wattpad eh. Full story dun, hanapin nyo. Charot.
Nagkakilala kami ng partner ko nung panahon na wala akong pake alam sa mundo. Lalabas lang ako kung may bibilhin nagtatrabaho ako that time yaya yung pinasukan kong trabaho, medyo matagal na din akong nag yaya, marami naman nanliligaw saken that time, inientertain ko naman sila pero hndi ko sila pinatulan. Yung kapitbahay naman ng amo meron silang karenderya dun ko unang nakilala yung partner ko ngayon, yung may ari ng karenderya na yun palagi nyang sinasabi saken na may gusto daw makipag kilala saken, ako nman natawa lang, kase bka joke joke lang nila yun, hanggang sa dumating yung time na nilapitan nya ako, at first wala akong alam sakanya bago lang yung mukha nya sa place namin, gusto nyang hingiin yung number ko pero hndi ko binigay dahil wala naman akong hilig makipag txtmate, hndi nga ko naniniwala sakanya na single sya dahil matured sya tingnan compared to his age. Then ayun a week after bago ko naibigay yung # ko hndi pa ko masyadong nagrereply sakanya, then nag disisyo kami na magkita to get to know each other, i ask him bakit ako? Kase kung ikukumpara mayaman sya tapos ako YaYA lang, sinabi nya saken na nakita nya daw ako sa panaginip nya na may dalang bata kasama sya, hndi pa daw kami magkakilala that time na nanaginip sya nyan. Nung first nya daw ako nakita dun sa karenderya dahil lagi silang nasa labas ng karenderya nun tumatambay saglit, dumaan lang ako dun sa harap nila dahil may binili lang ako, tinitigan nya daw ako dahil nakita nya na daw ako before hanggang sa hndi na daw sya mkatulog sa kakaiisip kung saan nya daw ako nakita, yun pala sa panaginip nya, tatlong beses daw syang nanaginip noon before pa kami magkakilala o magkita. Kaya ayun tinanong ko sya baka may asawa na sya, syempre tayong mga babae talagang maninigurado tayo diba, mahirap na magkamali. Ayun single daw talaga sya. Hanggang na develop na ko sa kanya, gusto nya kong dalhin sa kanila ang kaso may trabaho ako, nagkaroon din kami ng problema dahil yung amo ko against sa relationship namin, so i have to choose na umalis na sa trabaho kong yun, kase feeling ko hinihila nila ako pababa, dahil nga mayaman si partner tapos ako mahirap lang galing pa sa broken family. Kung ano anong paninira yung ginawa nila sa partner ko, pero hndi ako nakinig kase alam ko sa sarili ko na wala silang alam sa mga sinasabi nila, nung unang pagkita namin, lagi nilang sinasabi na nag sex na daw kami witch is not true, sinong ba namang tanga na makikipag sex sa unang pagkikita pa lang diba?? Kaya nagdecide na ko na umalis na sa trabaho kong yun. Weeks before ako nagkatrabaho ulit tinulungan nya ko na makahanap ng trabaho pati sa requirements ko din. Thankful ako dahil nakilala ko sya, pero ngayon hndi na ko nagtatrabaho stay at home nalang ako and then binigyan pa kami ng blessings ni Lord.
Nagkakilala kami ng hubby ko sa isang App. (Hindi ko na matandaan name nung app haha) That time andaming nagmmsg sakin sa app na yun (esp.mga boys, isa na dun hubby ko) pero no pansin sila sakin, ewan ko ba, nag-install ako ng app na yun para magpost lang ng mga pics pero kapag may nagmmsg sakin andalang ko magreply..tamad kasi talaga ako makipagchat, kahit sa messenger hindi ako pala-reply..mahilig ako mangseenzone. Eto na, nasa work ako nun at wala kami customer (barista work ko), so medyo boring, naisipan ko buksan app ko at sakto msg ni hubby ang una sa inbox ko..so naisip ko why not mareplayan nga, pampalipas oras..ayun Hi-Hello.. Tanungan lang.. Hanggang sa nagtuloy tuloy na msg namin.. Naisip ko iadd nalang sya sa fb ko at dun nalang kami magkaroon ng communication kasi balak ko iuninstall yung app, kasi binubuksan ko malang sya para magkamsg kami.. so sa messenger nalang namin pinagpatuloy yung chat2x namin. Disente naman sya kachat at may sense kausap kaya nagkapalagayan kami ng loob. So eto na, lumipas ang higit isang buwan, gusto na nya ako mameet..haha. So ako naman go lang walang problema..naisip namin magmeet sa Mall then pupunta kaming National Museum, kasi di pa kami nakapunta dun..haha. Ako pa nga unang dumating nun sa Mall e, pero okay lang natraffic lang naman sya.haha. Reaction ko nung nakita ko sya in person? Okay naman, may hitsura..parang bumabayin..haha. So nagcommute na kami papunta national museum pero nagkandaligaw ligaw kami kaya bagsak namin sa MoA nalang..haha. So to make the story short, naging kami..at dami nakapansin na sobrang nagbago ako nung naging bf ko sya.. Mga workmate ko kasi kilala ako bilang masungit at suplada..pero sabi nila nagbago ako at lagi na akong nakangiti.haha. Ganun talaga siguro kapag inlove.. Now 2years na kaming Kasal. At meron na rin kaming baby boy. Syempre may times na hindi maiiwasan ang hindi pagkakaunawaan sa buhay may asawa..pero normal lang yun, kasi on the end of the day, magkakabati din kami at mas lalo pa namin mamahalin ang isat isa sa mga pagsubok na dadating.. 🤗
Nov 2014 ko sya nkilala. may 26 2015 ngeng kami. nagkakilala kami sa app game na clash of clans (coc) , nung una dhl my chat ung larong un ngchachat at ngpapansin kht sinong babae n ksama sa larong un pero nung ako chinachat nia dko masyado pinapansin at tinatrayan at binubully ko sya kasi ang liit p ng homebased nia basta about sa laro ung pambubully ko. after that ng open ako ng fb ko something na my nag add saken so accept ko nmn kasi ready to fling nmn ako but not my type. dko knows na ung ngchachat saken sa coc ay sya pala un so ngchat saken dko pinapansin hanggang sa magpakilala literally dko tlga sya type nun kasi nung inistalk ko medyo matured ang face at ndi mapagkkatiwalan. so nung chinat n nmn nia ako sabi nia kta dw kami and sabi ko ayuko natatakot ako at d ako nakikipagkita (ngwowork kase sya ng manila) kaya nung ngkaka ayayan kami ng kalaro ko s coc na kumaen sa labas andun pala sya so umuwi pala sya nun dun ko na sya nakita at nagwapohan ako pero dko tlga masasabi na gusto ko sya prang nagwapuhan lng hangang sa umuwi sya ng manila ngchachat na kami ng tuloy tuloy kasi medyo nagka interest nren. kaso my nalaman ako na ndi magandang balita na my anak n pala sya kwento ng mga kaibgan kong lalaki kasi kaibgan dn nila un so binlock ko na sya kaysa maenlove pako kasi natakot ako nun at bata pako(no communication n tlga) . hangang sa mga ilang buwan umuwi uli sya nkta ko ulit and i dont understang bgla tumibok ung heart ko kaht na my iba nakong mnliligaw at ssagutin ko na sana so ako naeenlove n tlga kaya ununblock ko na sya kaya nakapag usap uli kami hanggang sa usapan namin n pgkauwi nia mgkkta kami at dun na mgegeng official ung relationship nmin ... so mg 4 years na kami ngaun may at mgkakababy na den this november 😘😘
July 28, 2018 Sinama ako ng bestfriend kong girl sa inuman kasi nagkakalabuan kami ng jowa ko that time. Sabi ko sa bestfriend ko "Hanap mo nga kong lalaki😂" pabiro lang yun. Sabi nya may papakilala ko sayo sama ka sa inom namin. . Ayun pinakilala nya ako sa bestriend nya ng 7 yrs. 28yrs old sya nun. Lasing na siya pagdating namin sa inuman sa Tagaytay, yung Papa Doms na Bar and Resto. 21 yrs old lang ako nun. Nagpaorder si H (guy 28yo) ng bulalo tas yun lahat kami kumain nun kasi lakas ng ulan bagyuhan 11pm. Taken si H at taken pa rin ako nun. So parehas kami may jowa pero habang nalalasing sa inuman, magka hawak na kamay namin. July 30, officially single na ko. Nag uusap at chat na kami ni H nun tas vid call din. Aug 8, 2018 bday ni H, nagcelebrate kami. Mula magkakilala kami every weekends nagkikita kami at laging inuman. Sept 14 bday ko, humingi ako sign kay Lord dahil ayoko na ituloy pagkikita namin kahit na inuman lang naman yun at with friends pa. Tas hapon nun, nagbreak sila ng gf nya. I took it as a sign na dapat di ko iwasan si H. Ldr nga pala sila nung ex nya. Niligawan nya ako. Oct 6 pinakilala namin isat isa sa magulang namin. Oct 7 naging offical na kami na. Gusto na namin parehas magbaby kahit bago palang kami. Dami din namin napagdaanan na mahihirap na problema na di ko na babanggitin dito. Oct and dec nagpataas ako matres. Jan 15, 2019 nalaman namin positive, pregnant na ako (nasa profile ko dito yung pic). Super loving and responsible ni H as a future hubby and father. Masasabi kong bigay sya sakin ni Lord. Ikakasal na din kami sa June❤️ I am 5 and a half months preggy ngayon🤰🏻
nagmeet kami nong pinakilala sa akin ng bf ng kasamahan ko sa work,naghahatid sundo kami sa alaga namin then pagkatapos namin sila sinundo nakita ko na sya sa malayo habng papalapit sa amin, and doon po ako naniniwala sa love at first sight kasi yun yung nafefeel ko😂😂napakaunforgetable para sa akin yon kasi medyo napahiya pa ako kasi dinaanan nya lang ako suppose to be magpapakilala na kami sa isat isa pero nilampasan nya ako😂😀tinawanan pa ako ng friend ko pero doon na kami nagpakilala sa isat isa sa ministop hiyang hiya talaga ako ni ayaw kong tumingin sa kanya pero nagsosorry nmn sya akin nahihiya lang daw sya,kaya ganon😜😜 that month uuwi na din sya sa province pero kinancel nya yung flight nya para di ako iwan huhu at ngayon di ko akalain na nagkababy na kami at chaka napakaswerte ko sa kanya kasi sya yung tipo na lalaki na may plano sa buhay walang bisyo,sa work lang sya adik wala na nga syang time sa amin magbonding sa labas puro sya wok at ngayon bahay na lang kulang sa amin may lupa na kami,lotr at may nabili naring mga hayop,kasal din pala hindi pa kami kasal soon po pagtapos na bahay namin😍💓💓 #godblessall #happy mothers day
kame is yung bff nyang lalaki is naging barkada ko so ung barkada nya diko alam na pinamigay nya number ko that time halos kaka break lang nmn nung ex ko so nung nag text na si hubby sa aken wa epek diko pansin kase nga hinihilom ko muna ung saket so after almost 1 month nag reply ako sa knya de ayon nag kausap tas nfkapalagayan ng loob tas until one day sabi nya gusto na nyya daw ako so ayon niligawan ako tas di na ako nging pabebe kse nga na fall n ako sa knya kht dipa kme ngkikita 1st meet nmn sinundo ako galing work sia ang lyo ng pinsngalingn 3 jeep at tryk ung sinkyn ya bgo kme nagkita so ayun nung nagkita kme gosh sabe ko inlove na tlga ako sa knya di cia ung typical n tall dark and handsome cia is kumpara sa akin tall chubby chinito medyo maputi cia so ayun pumusu ung eyes ko sa knya gosh lalo n ung mata nya den to make story short 2 years na kme then having a baby im 14weeks and 2 days preggy chaka laht ng gusto ko nabibigay nya laht ng bawal binabawal nya chaka date ampayat ko 24 lng bewang ko but nung nakilala ko ciq hala naging 31 na bewang ko hahaha tas kakasal na kame this coming august 28 2019 😀😀😀😀😄😄😄
Classmate ko siya dati noong college di ko sya type kasi gusto ko matangkad siya kasi sakto lang 5'6 hanggang sa naging close kami kasi naglalaro kami parehas ng dota nagpapaturo ako sa kanila ng isa namin classmate dahil sila matagal na naglalaro ako bago lang hanggang sa niligawan na niya ako txtmate lang kmi noong una hanggang sa niligawan nako yung bestfriend pa niya nagtanong para sa kanya dahil classmate din namin may ex ako non na classmate ko din kaya sabi ko sana ayaw ko na mag bf ng classmate kasi syempre pag nag break lagi nakikita tapos sabi ng ex ko kung mag bbf ako bago yun nga lang daw sgutin ko kasi prang halos bff na sila nging close na din naisip ko bigla itry na sagutin siya kahit dko pa msyado mahal tapos yun naging kami tpos hanggang sa nag graduate kami kami pa din nagkalayo pa kami kasi nag work sya sa cavite ng break pa kami dahil gsto ko dito na sya mag work sa manila di nya ko pnagbigyan pero nagkabalikan din kami tpos after 5 yrs nag live in kami ng 1 yr tpos nabuntis ako at nagpakasal kami civil wedding ngayon 7 yrs na kami.Yun lang hehe sorry masyado mahaba
Same Engineering course kami ni Hubby ko, pero magkaibang department. Una niya daw ako nakita nung nagkaroon ng acquaintance party college namin, tas a week after kinuha niya number ko, tinatawag ako ng mga tropa niya nung una hanggang sa harangin niya ko sa hallway ng building namin. Binigay ko naman, tas ayun text text hanggang sa naging close pero wala pang ligawan factor as in close lang pero feel mong may something, buti nalang bago pa maging kami nalaman ko, may nagmessage saking may gf siya nung time na yun. Sobrang nagalit ako sakanya. Sempre babae din ako, iniwasan ko tlaga siya. Ang sakit kaya sakin, mas ano pa sa totoong gf diba? Ayun siguro 2months no communication kami, hanggat sa nagparamdam uli siya, nagbreak na sila nung nanuyo siya uli sakin. Tas hanggang sa ngayon asawa ko na siya. Bago papala siya uli manuyo at magparamdam uli, nagpray ako kay Lord. Sabi ko gusto ko yung darating na lalaki sakin siya na yung last ko at talagang mapapamgasawa ko. Siguro siya yung sagot sakin ni Lord. Kahit na naging masalimuot nung una, kami parin talaga. Hehehe
nakilala kami sa simbahan nung nag ninong sya sa binyag ng anak ng pastor namin naging friends kami hanggang sa niligawan nya ko 2 years na ligawan😅tagal diba sabi ko kasi dati pag nagpipray ako pag tumagal sya ng 1 year na panliligaw sasagutin ko na kaso gusto ko pa ulit sya subukan kaya umabot ng 2 years.pero syempre maraming pagsubok pero nalampasan naman nandyan ang third party na lagi namin problema dati 6 years after ko syang sagutin dumating ang first baby namin hanggang ngayon parating na yung 2nd baby namin ganun parin sya di nagbago lahat ugali ganun parin pero wala ng third party responsable tsaka may pangarap sya buhay.
whiskey