11 Các câu trả lời

Hi momsh ganyan din ang asawa ko dati nung mag bf and gf pa kami at hanggang mga kalahating taon na pag-aasawa pati sa mga kapatid nya sinasabi nya so magagalit sila sa akin kahit kaunting tampo lang kwento nya agad yung wala syang sariling disisyon sa buhay hihintayin nya yung mga kapatid nyang mag disisyon at wala na kaming sekretong naitatago kasi sinasabi nya lahat at dahil d sya marunong mag magsekreto sa buhay pinagsasabi pa nya sa mga kaibigan nya dumating sa point parang plastic ka nalang dahil ayaw mo na magalit kasi ganun sya buti nalang di ako katulad sa kanya independent akong tao so ayun ginawa ko momsh halos every day ko syang pinagsasabihan heart to heart talk momsh hindi yung pa galit kang nagsasalita i talk to him na mag asawa na tayo sarili dapat nating disisyon ang masusunod hindi dapat ganito ganyan na nakaasa ka sa kanilang disisyon, magdisisyon ka ng sarili mo basta lahat momsh maiiyak na ako sa harapan nya kaka talk about every thing sa buhay namin na dapat kami kami lang mag ayos at nakakaalam. Kaya sa baby ko ngayon ang dami nilang sinasabi hindi ko sinusunod ako ang masusunod. About your baby momsh ikaw na dapat magdisisyon kasi ikaw ang ina ikaw nag masusunod hayaan mo silang mangi-alam wag mong sundin lalo kapag eh formula mas better tlga ang breastfeeding at normal clingy talaga ang baby mo sau kasi ikaw nag ina nya be strong palagi momsh.

Pagdating sa away. Knting tampuhan privacy nanatin magasawa yung tayong dalawa lang nakaka alam dahil mas magnda yung maganda ang tingin satin ng mga tao ofcourse ayaw ng mga asawa din naman natin na konting away o tampo lang nagsasabi tayo sa magulang better parin na satin satin lang kasi kapag si LIP/hubby sinabi sa magulang niya sino ba nakakahiya? Siympre ikaw na asawa at nakaka baba sa pagkababae naten yun kaya ako nung dumating kami sa point na nag away kami sinasabi. Niya magsasabi daw siya sa magulang niya then sabi ko 'sige gawin mo yung nakakahiya bigyan mo naman ng privacy yung relasyon natin lalo na pag sa away wala na kahit sino ang dapat nakaka alam bukod satin at bigyan mo naman ako ng respeto bilang babae man lang na yung away natin walang involve nino man kung gusto mo ng ganyan edi uwi ka sa bahay niyo muna at pag handa kana then dun ka bumalik sa akin isa pa huwag niyako tinatakot na ito sinabi ng nanay niya na dapat ganito na ganyan dahil ying batang ito ako ang nanay at di sila' kailangan ko gawin yung bagay na para saakin at para sa anak ko. May mga bagay na oo susundin ko pero pag hindi magnda well sorry hindi ko gagawin.

Relate ako sa story na yan. Malayo kami sa parents namin. nakabukod kami at pareho may work. Naging irritable ako sa pagbububtis ko. Madami akong hinahanap na food then since dadalawa kami dito pag nagalit ako nagsasabi ako sa mga kapatid ko na gusto ko na umuwi then pagnalalaman nya magsusumbong sya sa mama nya.. Tapos ang ikinakainis ko susugod ung mama nya kila mama then sasabihin na bat daw ampangit ng ugali ko. kawawa naman daw ung anak nya na sobrang bait.. haha. natawa nalang ako na naiinis kasi never ako nakitaan nila mama ng pangit na ugali nagiging masama nalang ako sa paningin dahil sa sumbong. . Pero ngaun. I just mind my own. Okay kami ng husband ko but not with his mother. Sabi naman ng parents ko. They know me well nothing to worry.. 😁 So ayun nag uusap kami ni husband sinasabi ko naman na ayoko sa mama nya.. lulong na nga sa sugal ayaw pa nya sa apo nya. So who cares. May pamilya ako na matatakbuhan ko hindi pang sya. 😁 Kaya ikaw din sis. Pakatatag ka lang. Dont care mo nalang si mother earth ni hubby. . Less stress pa. . 😂

Same situation sis, nung nagbubuntis ako ni hindi man lang ako nagawang kumustahin o dalawin, nung nanganak ako, nasisi pa ko dahil na cs ako. Ngayon puro puna rin siya sa pag aalaga ko, dapat ganito dapat ganyan, ayos lang sana kung sa ikabubuti ni baby yung mga payo nya. Hindi eh, gaya ng mil mo gusto nya mag formula na si baby, wag ko rin saw sasanayin na laging buhat kada iyak, 2 mos pa lang si lo. Tapos painumin ko daw ng tubig pag sinisinok. At gusto na nila pakainin ng baby food momsh. Kaya wala akong tiwala pag hawak nila si baby eh, sinabhan ko na ung husband ko pero ako pa lumabas na masama. Sila kasi nung bata daw pinainom agad at pinakain na ng mga prutas. Uulitin ko. 2 mos palang ang anak namin. Kaya nang gigigil ako talaga. Nag pipigil lang ako saka dito kami nakatira ngayon, pinagbigyan ko kasi dhil gust nga muna tumira sa parents nya ng isanb buwan. Eh kaso na extend ng na exted yubg ecq kaya di kami makaalis. Hindi na ko makapag hintay umalis dito... hayyyyyss

Relate ako sayo momsh. Akala ko ako lang ang may monster in law. Hahaha! Nung buntis ako di man lang nagawang mangamusta kahit nasa iisang bahay kami knowing na yung baby ko may teratoma nung nanganak ako di man lang dumalaw sa hospital nung nakauwi na kami sa bahay nila paglabas ng hospital ni di nagawang magmalasakit saken o kaya man lang tulungan ako sa apo nya. Kesyo wag daw sanayin sa karga wag daw kargahin agad pag umiiyak painumin ng tubig at kung ano ano pa. Dumating pa sa point na pinagmumura ako inaway away ako. Ang ginawa ko nilayasan ko sila iniwan ko anak nya sa kanya, ngayon hanggang tingin nalang sya sa apo nya di nya makarga kasi diko binibigay sa kanya at ayaw din sa kanya ng anak ko.

Halos same pero 4 months palang akong preggy na naghiwalay na kami. Napakamama's boy, konting kibot "ewan kay mama" "sabi ni mama" Tapos nung sinabihan ng mama niya na wag na pumunta sa bahay di pa siya pumunta, nagsinungaling pa na kesyo ganito ganyan. Nahuli sa chat lang e hahaha, sabi nga nila kawawa daw anak ko kasi walang kalalakihang ama. Kaya sinasagot ko sila na mas ok na wala siyang kalakihang ama kaysa ganun ama niya at napakamatapobre ng nanay nun porket DH sa Hongkong. Pero ngayon na mag7 months na baby ko, wala talaga silang paramdam kasi tinanggal ko na koneksyon nila. Balak pa maghabol nung bago ako manganak, ayaw naman pumunta sa bahay puro rason e. Sinugod pa nga kami ng magulang nun hahaha tas sabi "pasalamat ka nga umuwi si mama para dito e" so parang sinisisi pa ako hahaha Pero as of now mas ok pa na walang ganun kaysa mahirapan pa sa huli

Sabi sa seminar namin bago kami ikasal huwag na lang daw pansinin yung mga in-laws kung may nasasabi na masama tungkol sa atin. Huwag din daw tayo magsalita ng negative laban sa kanila kasi nasasaktan din daw ang LIP or legal husband natin kasi parents nila yun... Huwag na lang daw tayo maging kontrabida sa paningin ng asawa natin... Yung parents kasi ng husband natin sanay sila na kasama ang anak nila at ganun din ang LIP mo sanay sila na kasama ang ina nila... Sabi niya naiinggit lang daw ang parents nun sa atin kasi daw tayo na daw lagi kasama ng anak nila kaya para daw makuha ang atensyon ng anak nila ay magsasalita ng negative laban sa atin... Yan ay ayon lang sa speaker ng seminar namin...

Oo momsh tama na yung nanay nila ang nagpalaki sa anak nila pero bubuo na ng pamilya anak nila kaya dapat suportahan nila. Diba nasa bible yan na iiwan mo ang mga magulang mo para sa asawa mo.

Ganyan din MIL ko, always may puna sa baby ko, number 1 is yung weight ni baby para daw payat parang gusto ichange sa formula milk. Tuwing mag send ako ng pictures palagi talga mag puna parang pumayat daw at ang pangit daw ng buhok ni baby. Hay naku! At worst pa icompare pa nmn ang baby ko sa 1st apo nya na sya ang nag alaga. Ang ginagawa ko nlng is ipalabas nlng yung sasabihin sa kabilang tainga. Anak ko to at wlang mangingialam as long as mabuti yung gingagawa ko for my child!!!

VIP Member

Di ka nagiisa momsh.. Apir tayo jan! 🙌 Ganyan din ako sa partner ko before, kaso nag bago na siya ngayon.. Siguro kasi pinakita at pinadama ko sa kaniya na kaya ko siyang wala sa buhay ko.. I usually say to him na, "pakasalan mo nanay mo." Or "ibalik kita sa nanay mo." Ahahaha.. it works.. Tho magtatampo siya.. Kaso at the end of the day ineexplain ko kung bat ko yun nasabi. Ngayon may privacy na kami.. di na siya sumbungero sa nanay niya. 🤣💪

Enlighten them mommy na breastmilk is best for babies, sa commercial iyan parati sinasabi. Aside sa libre, mas malakas ang immune system ng baby compared sa formula milk, nakatulong ka na din kay husband sa expenses. Better to talk with your husband, in a very enlightening way, parang open-up ang dating

Your baby, your rules

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan