Hello po, nung nakaraan ko lang po nalaman na uterus didelphys daw po ako. I'm 7weeks pregnant kaso wala pong heartbeat so need ko iraspa. 2nd baby ko na po ito kaso po yung 1st baby ko, nagpreterm labor naman ako 23weeks, di ko po alam kung niraspa rin ako don kase nainormal delivery ko naman po. Worried lang po ako, natatakot na baka di na ko magkaanak lalo pa raw pong mahirap pag dalawa ang matres. May same case po ba ko dito na dalawa matres tas naraspa? May baby na po ba kayo? Thank you po. Lagi ko pong dasal na sana kahit 1 baby lang magkaron kami.