hydrocephalus

hi po. new mom here. 37 weeks pa lang po. sino po dito yung my hydrocephalus din po yung baby nila. pa share naman po ng mga experience at mga pwdeng gawing mga ideas pag lumabas na po baby ko. thanks po in advance ?

32 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

My child has congenital hydrocephalus. It was a heartbreaking news para sa amin. What we did, we chose the best hospital na pwede magfacilitate ng needs ng baby ko. Na CS ako sa PGH. Afterwards nagstay si baby sa NICU para sa paghihintay ng surgery. A hydrocephalus childs needs VP Shunt placement. A tubing na magddrain ng excess water sa head. It was successful. Ngayon my child is 13 mos old already and doing well. But as expected he has developmental delays so mahalaga na always follow doctor’s appointments. We have multiple specialists doctors at free yon basta matyaga ka sa PGH. Good luck on your journey and I hope na maging matatag ka para sa anak mo. Fight lang and always seek for God’s wisdom.

Đọc thêm
3y trước

wala po ba kayong binayaran sa operasyon ng baby mo sa Pgh??

yung baby ko po may congenital hydrocephalus. kaya nagkaganon kasi may spina bifida din sya. Spina bifida po ay hindi nag fully closed ung spinal cord ni baby that's why nagkabukol sya s likod. sabe ng mga doctor maaari daw na nagkulang ako ng take ng folic acid nung buntis ako. kasi yung spina bifida nangyayari yun around 4 to 5 wks of pregnancy. so ndi mo pa alam na buntis ka,naging ganun na. so wala na din magagawa. mas maganda gawin munang healthy ang sarili bago magbuntis. kasi ako that time, ndi namin sinasadya ng partner ko na makabuo kame pero blessing pa rin si baby samin. Inoperahan sya, sa likod then nilagyan sya ng shunt para madrain ung tubig sa ulo nya. Now she's 3 months old and so far active and cheerful naman sya...

Đọc thêm

Hi during 5th month of pregancy ko nakita sa ultrasound (cas) na may nuchal translucensy siya (pwede daw may abnormality or down syndrome si baby) pero upon 7th month nag pa utrasound (cas) ulit ako at it thaks God nawala. October 2019 pa ako nanganak. Simula nalaman ko yun grabe ang kaba at pagdadasal ko kay Lord na maging maayos ang kalagayan ng anak ko. Thanks God at pag labas niya normal lahat. I'm telling you po God can moveo mountains kaya pray lang po tayo ng pray at maniwala kay Lord na pagagalingin niya ang baby natin. God Bless po sa lahat.

Đọc thêm
4y trước

hello po. sorry super late na reply. nagloloko tong app ko na to.. ewan ko kung sakin lang.. pray lang mamsh. Pray lang ng pray at no matter what hindi ibibigay satin ni Lord pag hindi natin kaya. God Bless sa inyo ni baby mo.

in my case i have seizures na genetic so possibleng magkaroon din si baby. well aware naman ang doctors ko and they know what to do so on my part, try ko ieducate ang sarili ko sa lahat ng kailangan kong malaman about the condition. prepare yourself sa pag-aalaga sa kanya by doing your research tapos verify mo sa doctors. wag kang mahiyang magtanong or mangulit sa kanila lalo na about sa welfare ni baby. 😊

Đọc thêm

Ako po mayron din 38 weeks ko sya pinanganak at di po nakita sa ultrasound na may hydrocephalus ang baby ko.... Nung paglabas di nmn sinabi sa akin nung nagpapaanak, kc sa lying lang ako nanganak. Nung Pina check up ko sya sa pedia dun pa nmin nalalaman... Pinanganak ko sya nung January 03.2020

4y trước

kmusta po baby mo ngayon sana okey na sia .. 37 weeks ako at nakitaan din ang bby ko ng hydro.

First baby ko 6weeks palang sya nakita na may NT sya. Habang lumalaki sya na diagnosed sya as hydrops fetalis ganun din maraming fluid s ulo nya. Unfortunately di na nya kinaya. Kaya 3rd month ko sakanya nawalan n sya ng heartbeat kasi namanas n sya. 😔

Yung hubby ko daw nung 3months siya nalaman na may hydrocepalus then talagang check up gamutan but thank God kasi nasa labas daw yung kanya. Sana po ganin din ang kay baby niyo. God is always Good! Keep on praying!

7mo trước

Kamusta po baby nyo? Naoperahan po ba?

Ngayon 2months na sya.... At di parin sya napapa opera kc puro kami fallow up check up lang... It's a baby girl 👧

Post reply image
4y trước

Thanks 💕 po

mag pray ka at pa check up sa espesyalista kasi ang alam lo habang nasa tyan pa c baby na cu cure na sya unless kung malaki na sa tyan mahirap na sya i cure...prayers po

Thành viên VIP

magtiwala ka lang sa Ama, need niya idaan sa mga surgeries yun ang alam ko kasi may mga co mommies ako na ganiyan kalagayan ng mga anak basta pakatatag ka lang