Hi po. Need kopo sana ng advice, kung ano dapat kong gawin. Si baby po kasi netong month of january, nag ka amiba po sya. Pinacheckup kopo sya sa pedia nya. And yun ngapo niresetahan sya ng mga gamot at thanks God nag okay na si baby. Kaso po netong isang araw, bigla nalang po sya nilagnat. (3months Old ngapo pala si baby ko) natakot po ako kasi nag 38.9 po lagnat nya. (1sttime mommy po ako) kaya po dinala po namin sya sa hospital. Deretso po kmi ng ER kasi po linggo po noon. At yun nga po.chineck nila pupu ni baby. Tinusok po pwet nya nung hinliliit na daliri nung nurse dun. (Nakakapangiyak) tapos po nung nalaman po namin ang result, wala naman napo syang amiba. Si baby daw po ay hydrated na. So niresetahan po kami ng hydrite at tempra. At umuwi napo kmi. Magdamag po akong gising . Kasi tumaas lagnat ni baby hanggang 39.3 pero laging pasasalamat kopo kay God dahil kinabukasan magaling na si baby. Pero neto pong hapon. May napansin po ako sa balat ni baby. Ang dami po nyang pula sa likod. Ano po ba ito? Dahil po ba palagi syang nakahiga??? Sa pawis po ba??? Madami napo kasi ung pula nya kalat napo sa buong likod. At sa may bandang leeg. (3days nadin po kasi syang hindi naliligo simula po nung nilagnat sya) natatakot po ako. Kasi hnd kopo alam ang gagawin ko.