Buntis po ba Ako? Negative hpt
Hello po. Naguguluhan po Ako Ngayon kase Hindi ko po alam kung buntis po ba Ako o Hindi. December 31 - January 5 po Ako last mens ko. Usually, 34 days po kase Ang cycle ko. Nag pt po Ako Nung mga first and second week na delayed Ako, Panay negative po. Then Nung march 1, mga 7 pm po nag pt po Ako and may faint line po nun. Nung kinabukasan po, negative na ulit. Binaliwala ko po Yun Kase baka false positive lang po Yun. Then after a week, nag decide po Ako na magpa Kapa sa manghihilot, may nakapa po siyang bukol and baby daw po Yun going 3 months na daw po Yun. Then nag pt nanaman po Ako dahil don and negative nanaman po. Sobrang nakaka disappoint po. Parang ayoko na pong umasa. Kase masakit sa loob. Any advice po?