worried mom
hello po nag woworry lang kasi ako , babalik na kasi ako sa work sa monday aug. 2 , tapos yung MIL ko yung mag aalaga kay baby parehas kami may work ni hubby . ang winoworry ko lang is posible po bang lumayo yung loob ni baby samin na parents nya, by the way 1 month & 21 days palang si baby.
Working mom 🙋(night shift 🌙) Ganyan din po ang worry ko noong bumalik ako sa office. Pero kung hindi naman po kayo mawawala ng months or years, hindi naman basta basta lalayo ang loob ni baby sayo. Everyday naman ako umuuwi sa bahay namin and ako nagpapaligo at nagpapadede kay baby pag umuuwi ako. Tapos pag walang pasok or day off, make sure na magkakasama kayo, with daddy din syempre. Excited naman sya tuwing uuwi ako tuwang tuwa sya gusto nya lagi buhatin ko sya pag dating ko palang sa bahay 😊. Meron pa nga akong office mate na every weekend lang umuuwi sa bahay nila e pero very close sila ng baby nya. Basta pag may oras ka, sulitin mo na alagaan baby mo para may bonding kayo ❤
Đọc thêmHindi namn sis kung gagawan niyo ng paraan para magkatime parin kayo kay baby. Yung sa tita ko kase before may taga alaga yung mga pinsan ko pero every night sila nag aalaga ng tito ko kahit pagod na sa work. Then pag wala din pasok sila lagi nag aasikaso. Yun din balak kong ipractice namin ni LIP kapag bumalik na ako sa work. Kahit kase lagi busy sa work yung tita at tito ko nun naging close parin sila sa cousins ko hanggang paglaki super close sila 😊
Đọc thêmWorking mom here. 4months panganay ko nung nagstart ako magwork at ever since parents ko nagalaga sa kanya. Good thing ?mag 5 years old na sya at super lambing nya samin ng daddy nya. Ngayon sa manila na kami nagwowork at naiiwan sya sa Batangas. Make sure lang momsh na magspend kayo ng oras sa kanya as much as possible para di mawala ung bond and attachment sa inyo ni baby 😊
Đọc thêmHindi po. Kasi yung pinsan ko ganyan din, teacher yung mommy niya tapos tuwing may pasok dun siya iniiwan sa mama ko, pag gabi na umuuwi na siya. 3years old na siya ngayon pero close na close pa din sila ng mommy niya. Everyday ka pa rin naman po niya makikita e.
Hindi naman lalayo loob nya as long as na nakikita kayo kahit every weekend/ restday then pag ksma nyo si baby magbond kayo. Yung pamangkin ko hindi naman lumayo loob sa mama nya kahit every other week nauwi sa amin.
Hindi namn po basta lage niyo padin siyang kausapin lage mamsh. Ganyan dn kaibigan ko pero pagdting niya ng work sakanya na yung baby niya at lag holiday or off niya siya nag aalaga.
wag mo na po isipin yan, mabuti nga may mag aalaga sa baby nyu..yung mas mahirap po if wala. and still kahit sino pa po mag alaga jan kayo parin po parents nyan.
Kung stay in po kayo sa work possible po na lumayo loob sa inyo pero kung uwian naman po makikita at mahahawakan niyo pa din naman si baby.
Dont worry momshie alam na ni baby ung amoy mo po. And as long as feel ni baby na love mo cia di po lalayo loob nya sau.
hindi naman po basta everyday parin niya kayo nakikita at nakakasama bonding pag restday nyo ganon.