Balotin Ang Katawan Ng Buntis
Hello po mommies, tanong ko lang po kailangan po ba talaga balutin Katawan Ng mga buntis? Ako kasi lage Naka short at sobrang naiinitan ako pag nag pajama at jacket. May bad epekto po ba pag di nagbalot?
ngayon ko lng yan narinig. alam ko after manganak. pero d ko ginawa. mainit sa katawan at wla nmng basis sa science.. btw i a-add ko n din n delikado sa baby mo if masyado tataas temperature ng ktawan mo. bka lagnatin kna nun sis kung mag babalot k p ng katawan.. mainit n kasi katawan ng preggy dahil sa hormones. kung mag babalot ka mag aadd k ng init.
Đọc thêmAko ngang nasa 7w palang gusto kong nakahubad ako dahil init na init na sa katawan e. 😅 Wala po epekto yung pagsasando/shorts. Magsuot po kayo ng kung saan kayo komportable. ❤️ Kasi nakakainit ng ulo nating mga buntis yung init na init kana sa katawan mo haha.
Mainit po katawan ng mga buntis so it would be uncomfortable if balot tayo. Ako po laging nakadaster ganun.kapag matutulog naman po, sando at underwear nlng.haha. mas comfy po kasi. Pero nagmemedyas ako kpag bedtime.para iwas pulikat po. 😊
Nku.. Jusme... Sobrang init katawan natin mga pregy ewan ko lang kung makatiis ka pag binalot. Mo katawan mo.. Kulang na nga lang matulog akong hubo sa sobrang init. 😅
naku,ak0 nha khit 11pm n sa subrang init naghahalfbath ako..grabi ang init tlga,,.pagsumpungin ng lamig2,para ring naglalabor,im 26w prggy.k
Wla naman sis. Ako, nakatube or shorts lang din aq nung buntis aq dahil sa init. So far, wla namang negative effect sa panganganak q.
kung saan ka kumportable yun ang suotin mo.. ako nakapanty at sando lang nung buntis.. nung nanganak dun na ako nakapajama at medyas.
Parang wala naman mommy.. Ako palaging nakashorts and sleeveless nung buntis kasi mainitin ako😊 okay naman si baby ngayon😊
Wala naman pong effect mommy. Wear clothes na comfortable lalo na pag buntis po is mabilis mainitan. 😊
Ako sis lagi nakapanty matulog at naka maluwag na sando hehe tas nakatutok sa fan 😁
I'm EBF to my cute baby boy | FTM