Newborn outfit

Hello po mommies, ano po ba magandang bilhin na damit ni baby sa hospital onesie or tieside? Ilang piraso din po ba bibilhin at puro longsleeve po ba? Saan din po marerecommend niyo na shop? Ftm po ako salamat po

16 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Miii ito lesson learned based on experience hahaha. Isipin mo yung weather pag manganganak ka na. Consider mo din lugar nyo kung nasa malamig na lugar ka ba o mag aaircon ba lagi si baby ganon. Sa case namin, tuwang tuwa ako sa pagbili ng mga frogsuit ganon hahahha as innn. Tapos nung kasya na ni baby, summer na hahaha. Kahit tipong naka aircon di ko mapasuot kasi mas relaxed sya sa short sleeves lang kahit malamig. Na newborn recommended talaga tieside kasi madali isuot, hindi idadaan sa ulo na napaka lambot pa. Pero nakakatamad din kasi mag buhol haha so mas ok yung snap button sa side din. Sa dami ng bibilhin mo, depende kung kaya mo maglaba everyday. Yung iba kasi para daw di sayang bibili lang ng 6pcs ganon, ang nangyayari laba ng laba. Ako madami binili pero ung mga tig 3 for 100 lang sa shopee. Min of 3 bihis kami sa isang araw kasi onting malungaran si baby palit agad ako.

Đọc thêm
Influencer của TAP

hi Mie, Ftm din here ^_^, binili ko both pero tag 3pcs lang, 3ng Sando style, 3ng Tshirt,3ng Longsleeve Style na Tieside, tapos 6pcs na Pajama and 6pcs. din na Shorts and 6 pcs. na Onesies- araw-araw nilalabhan isang linggo lang nag-gain na si Baby ng weight kaya nung 2 weeks old na halos bitin na agad yung mga pang newborn sizes para sa kanya, kaya bumili na kami ngayon halos every 2-3 weeks yung pagbili sa kanya going 3months na kami this 23, Mapapayo ko sayo wag kang maghoard ng damit iobserved mo muna yung growth phase ni Baby kasi mabilis niya lang maliliitan sayang kung di naman maisusuot lahat ^_^ kalma lang and self control hehehehe though enjoy din talaga mag suot kay Baby, now yung mga damit ni Baby ko pang 9months na agad sizes ^_^

Đọc thêm

para saken wag puro long sleeve lalo na mainit panahon ako un baby q di na gaano nagamit long sleeve bilis nia kc lumaki ska mainit pati bonet nia di dn nagamit sa umaga sa gabi naman panay nattanggal kaya d q na pinagagamit sa gabi 3/4 lng pinapasuot ko na tie side di q n din pinag papajama Hassle kc mg palit diaper binabalot ko nlang sya sa gabi. kung masipag ka mag kusot pd n sgro 9 pcs kc kakalakihan lang ni baby onsie nlng bilhin m prang mas okay yun tpos medjo lakihan mo un size pra mejo mtgal nia magmit

Đọc thêm

Sakin momsh, 6 sets lang na tieside binili namin tapos more on onesie na 🤭 2 sets each ng Longsleeves, Shortsleeves at Sleeveless. Tag-lamig kasi ako manganganak kaya more on pajama at onesie ako naginvest. FTM din po ako. Mura lang kasi bili namin dun sa tieside barubaruan, mas pricey onesie pero nagready na din kami mas bigger sizes para pag naliitan na niya mga tie-sides, onesie na ipapasuot namin. Tho may ilan piraso kaming onesie pangnewborn size para kung san maging comfortable si baby. 🥰

Đọc thêm
Thành viên VIP

Hindi ko masyado dinamihan yung long sleeves na binili ko kase sa gabi lang naman magagamit. More or less 30pcs ata yung tie sides na binili ko halo na yun ng sando type, may manggas at long sleeves tapos pajama na no need mag socks pero bumili parin ako ng mga Onesies kase madalas yun yung may prints/design. Mas mabilis din kase isuot yung onesie kesa sa tieside lalo na kapag nag start na mag likot si Baby, hassle na yung tiesides.

Đọc thêm

depende sa preference nio. sakin ay tieside and pajama ang mga binili ko. nahihirapan ako sa onesie. sa hospital lang namin ginamit ang long sleeves dahil nasa plan namin na private room may aircon. pero pagdating sa bahay, mainit na, short sleeves na. hindi na namin nagamit ang long sleeves ulit.

Đọc thêm

kami po tieside pero super konti lang dahil mabilis lumaki ang baby. ngayon naka sando nalang ang baby boy ko hehe di ko nagamit masyado onesie nung newborn sya kasi medyo takot pa kami galawin masyado yun braso...mas madali lang samin isuot yun tiesides.

Mas maganda kung onesies,hassle kase ang tieside lalo pag itatali mo. Tsaka kung praktical ka nman sis,isang labahan lang kase pag onesies. Then okay na siguro mga 10pcs na onesies tsaka mo na dagdagan pag kinulang.

2y trước

Halo2x mii,ang ginawa ko yung iba long sleeves para pantulog niya then yung iba nman onesies na short sleeve para kapag mainit panahon di sya mainitan.

Sa onesie ka mag-invest mi. Sobrang hassle ng tieside. Ung tieside na binili ko wala pang 1 week nagamit, mother ko kasi nagsabi na bumili nun. Eh ako naman ang nagbibihis kay baby, mas convenient talaga onesie.

Recommended ko is tieside, kasi pwede mo siyang ifit based sa katawan ng baby mo unlike sa oneside possible na malaki pa sa kanya baka pasukan pa ng lamig pag nasa room niyo na lalo pa at nakaaircon.