Heartburn and Acid Reflux
Hello po mommies. 10 weeks na po ako. How po ninyo namamanage ang Acid Reflux and Heartburn? 😭 Nakakaiyak na lalo na pag gabi

Gaviscon Double action po ang reseta sakin ng OB ko nabibili over the counter kahit walang reseta po.. take mo po bago matulog yung hindi ka na kakain. iwasan po ang mga bawal tulad ng maanghang at kumain ng madami at iwasan ang magutom kumain ng kaunti lamang na pag kain every 2hrs
Uminom ng tubig 30mins bago kumain. Dahan2x po sa pagkain at pakonti konti lang pero madalas para di naman magutom. Pagkatapos kumain wag muna po uminom ng tubig, kung kaya mo after 30mins tsaka pa lang uminom ng tubig. Pagkatapos kumain wag muna mahiga, palipasin muna ang 3 hrs.
same tayo mi 10weeks na. ang ginawa ko mi, kaunti lang ako kumain pero madalas. once na alam ko ng bumaba na kinain ko kakain ulit ako. ganun ginawa ko kasi ayaw ko magtake ng gamot like gaviscon kahit na nirecommend naman ni OB.
Ganyan din ako nung first trimester at 2nd trimester ko mii inom lang ng warm water naglalagay din ako ng oil para kahit papano matanggal yung sakit hindi ako nag take ng kung anong gamot ngayon okay naman 33 weeks na ngayon.
mommy, pagtapos n‘yo pong kumain ‘wag po kayong hihinga kaagad. mas better po kung umupo muna kayo ng ilang minuto. :)) at ‘wag po kayong kumain na mga pagkain na mahirap tunawin. lalo napo kung gabi. sana makatulong :)))
at saka po mi, ‘di ko nilalahat pero may mga tao pong may acid reflux. especially sa mga preggy women po. kung walang acid‚ walang tutunaw sa kinain natin :)) mawawala din po yan. congrats! 10 weeks pregnant na po pala kayo 🫶🫶 ingat!
sabi po sa'kin kapag tanghali lagay daw po kayo sa bibig niyo ng yelo tunawin niyo lang daw po yung sa bibig tapos wag gaano kumain ng madami kain na rin po kayo ng unting chocolate yung tama lang po
wag ka na po kumain ng pansit Canton or noodles, soft drink and coffee and tea. malakas kasi maka acidic yan. acidic din kasi ako yan lang ginawa ko then now di ko na nararandaman
same. wag ka lang ma stress. D ko na iniintindi yan, kasi kahit ano naman kainin natin ganun pa din lahat kinakain acid tlaga. Iwas nalang sa Soft drinks, coffee, maalat, maasim.
kalma mo lng mhie sarili mo gnyn dn ako . 8 weeks and 2 days palang ako gnyn na pkirmdam ko ..sa pagkain naman more on lang sa water therapy para ndi mgkaUTI.
iwasan mo po ung mga food na pansit Canton or noodles, soft drink and coffee and tea. more on water po kailangan. ganyan ginawa ko acidic din kasi ako
Queen of 1 sunny son