stuck!

Hello po mga momshies! Ako po ay 26 weeks preggy na po.. and ito po yung problema ko.. Huhuhu.. Di ko po matanggal yung wedding ring ko.. At napabayaan ko po.. D ko agad tinanggal ay namanas na po kamay ko.. Sinusubukan ko po tanggalin kaso d talaga sya matanggal.. Any tips po para mabawasan yung pamamanas at matanggal yung ring? Kasi po bawal dn daw po sa delivery room yung kahit anong alahas.. Salmat po sa inyong advice! ??

stuck!
103 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Lapit na akong manganak days or weeks nalang pero di ko na try mag manas. If di keri sa home remedies pagupit mo nalang

Warm compress mo kamay mo bimpo gamitin mo para ma lessen yung manas pag ayaw parin patanggal mo sa e.r hospital.

buti naagapan ko ung akin sobrang sakit nung tinanggal ko. 28weeks ako nun. yan po naging marka dahil nagsugat..

Post reply image

Pag preggy Tau dàpat tinatanggal talaga mga alahas Lalo na singsong kc mag Kaka ganyan talaga mostly NG preggy.

Lotion o sabon po. Elevate nyo po paa nyo, iwas maalat then more water. Im on 32nd week wala pa manas😊

Ugaliin mong maglakadlakad sa umaga. at merong video about dyan sa pagtanggal ng singsing gamit lang ang tali.

Hi same here last time.. Sobrang hopeless na ko non.. Hehe. Try mo yung stocking po. Search ka sa youtube.

Sakin naman wala silang nagawa dahil di matanggap tatlo kong rings, hinayaan na lang nila sa delivery room.

Off topic pero pamonitor ka rin ng BP sis. Kasi manas is a symptom of hypertension or worse, preeclampsia.

Tinry niyo na po yung sabon? Or yung sinulid po yata yun or any tali. Try nito po search sa youtube.