stuck!

Hello po mga momshies! Ako po ay 26 weeks preggy na po.. and ito po yung problema ko.. Huhuhu.. Di ko po matanggal yung wedding ring ko.. At napabayaan ko po.. D ko agad tinanggal ay namanas na po kamay ko.. Sinusubukan ko po tanggalin kaso d talaga sya matanggal.. Any tips po para mabawasan yung pamamanas at matanggal yung ring? Kasi po bawal dn daw po sa delivery room yung kahit anong alahas.. Salmat po sa inyong advice! ??

stuck!
103 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Meron ako napanuod once tinanggal ung nastock rin na singsing using sinulid. Kaso kailangan mo maipasok ung sinulid sa singsing mula sa taas pababa sa kuko. tapos ipaikot mo sa daliri mo para mapanipis mo ung laman ng daliri. Tiis lang konti sa maiipit na dugo. Simulan mo ung ikot ng sinulid sa mismong pagkalagpas ng singsing kahit hanggang sa kalahati lang ng daliri. Saka mo hatakin pababa ung sinulid pra mahatak rin ung singsing.

Đọc thêm
Post reply image

Relate ako dto dumating na sa point na umiiyak nako kasi masakit at masikip na talaga at sobra na manas ko diko naman akalain na mas mamanasin papala ako, di epektib sakin yung binabad kona sa sabon panglaba powder mantika, or yung sinulid na pinalibot sa daliri, no choice pinutol nlang ng asawa ko. Wedding ring pa naman yun😶 tanggalin mona mamsh, baka magaya sakin na lumala pa lalo yung manas dina natanggal

Đọc thêm
Influencer của TAP

Elevate mo lang kamay mo mommy tapos iwas maalat/matamis ka na.. masakit kasi Yan tanggalin pag ganyan na kamanas ang daliri pero try mo pa rin using oil or soap tiis lang talaga sa pain. Ako nun 7 months nilipat ko sa kwintas singsing ko kasi di ko na maisuot 😅Yung daliri ko lang sa kamay ang nagmanas Sabi ng OB ko try ko rin daw i-soak sa warm water pagkagising sa umaga at massage.

Đọc thêm
Influencer của TAP

Kapag di na kaya ng soap at oil gamitin mo yung yarn, itali mo sa daliri mo para mapaliit sandali yung daliri mo dapat yung dulo nalusot sa singsing kapag ok na hahatakin mo dahan dahan yung yarn para unti unti din tatakbo yung singsing mo palabas ng daliri mo, tiis nga lang kasi masakit pero worth naman kapag naalis na kasi mas mahirap kaoag tumagal na sa kamay mo yan mag susugat na

Đọc thêm
5y trước

i did this, sobrang sakit talaga pero no choice, it should come out. kung ayaw mo masaktan, paputol mo na lang sa mag aalahas kasi 26weeks ka pa lang, pag natuloy tuloy ang manas mo lalo lang yan hihigpit at sasakit na din.

Ganyan din nangyari sakin nun buntis ako. Ung ring na bigay ng dad ko hindi ko na maalis, nun iadmit ako sa hospital, tinry parin nila kahit ntry na namin sa bahay at ayaw talaga. Since 1 ring lng naman, hinayaan na nila at inoperahan ako ng my singsing pa na suot.

Punta ka sa hospital mumsh, yung asawa ko sa ER nagttrabaho may mga patients sila minsan na ganyan. May tool sila na gnagamit para putulin un singsing. Kaya ako inalis ko na agad un singsing nung napansin ko lumalaki un daliri ko.

Thành viên VIP

Whahaha . Natatawa ako sis ksi nangyari rin yan sakin. 7mos.na ako ngayun at last week ko lg nakuha yung wedding ring sa kamay ko. Ginamitan ko lg nung lotion at hinilot2 pataas. Ilang minuto rin at ntanggal. Try mo rin 😊

Sabon po para matanggal. Sa pamamanas naman po exercise o di kaya mag swimming ka po para mag circulate mg maayos yung dugo mo. Pero wag masyadong gumalaw pag nagswimming. Dapat enough lang para magalaw yung limbs mo.

Try mo lagyan ng baby oil or sabon yung kamay mo sis then lagyan mo din ng sinulid yung ring mo at ikutin mo yung sinulid hanggang sA bumaba yung ring mo.ganyan din sa'kin dati natakot nga ako buti nlang natanggal nman. 😊

5y trước

Meron yata sis sa youtube video check mo bka mkatulong

Lht na ginwa ko pra matanggal dn ring ko sis kaso wala ayaw matanggal. Tinanggal ni hibby ko gmt sng grineder ng unti. Mejo mainit kc silver sya pero tiis , tapos pinutol gmt ang gunting. Ayun natanggal nmn po sya.