Hello po mga momshiee buntis po ako ngayon, may kutob po kasi ako nagloloko na yung asawa ko. Pero pinipilit ko na hindi maisip kasi makakasama sa baby ko. Nagwowork po kasi siya sa ngayon tapos lagi niyang kasama babae tapos nagchachat silang dalawa lagi siyang hinahanap ng babae syempre ako naman po nagtatanong sa trabaho lang daw niya yun. Kung gusto ko daw ako nalang mag trabaho. Pero kasi nakakasakit sa damdamin lalo na buntis ako pakiramdam ko tuloy daming kulang sa akin. Kasi pag buntis ka po papangit talaga katawan at mukha mo tataba ka pa. Iniisip ko nga po ihanda ko na sarili ko kung sa kaling ganun di na ako masyado masaktan para sa anak ko nalang kahit wala na siyang tatay. Late na din po kasi siya umuuwi kaya minsan kung ano ano naiisip ko di pa naguupdate sa akin