EDD by LMP: Oct.15, 2021 EDD by Ultrasound: Oct.20, 2021

Hi po mga mommies, tanong ko lang po if sino po sa inyo ang October 20, 2021 ang EDD by Ultrasound (39weeks 4days), EDD ko naman po by LMP is October 15, 2021 if nanganak na po kayo. Hindi pa po kaya ako overdue? Hanggang ngaun kasi, hindi pa ako nanganganak, pero may mga false contractions na akong nararamdaman. Ano pong pwede kong gawin, gustong gusto ko na pong lumabas si baby. 😥 #1stimemom #advicepls

21 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

EDD: oct.18 Pero nanganak na ako Oct.6 pa. 38 weeks and 4 days ang bilang ni OB More on lakad po mga mamsh if meron pa akyat sa area nyo na daanan dun ka mag akyat baba 😅 naka help sakin yang more on lakad.. oct.4 pa lang may dugo na konti sa wiwi ko nagpa check up pa ko pag IE sakin 1cm bantay na bantay ko since FTM ako kinukulit ko pa OB ko if naglalabor na ba ko ng ganun kase yung dugo dumami, ang sabi nya wait ko ang interval ng pag hilab ng tyan if sunod sunod na yun na daw ang active labor ko Oct. 5 naglakad kami ng hubby ko mula sa bahay papuntang Clinic kase schedule ko ng UTZ to check if enough pa water ni baby.. kahit medyo may makirot sa balakang at may discharge ako ng watery and blood spotting lakad pa din nag grocery pa kami at ang tagal namin umikot ikot 😂 nag crave pa ko sa adobong manok with pineapple kaya napaluto pa ko at yun nga bandang 8pm nakaramdam na ko ng braxton hicks lang hanggang sa naging 10pm na at di na ko pinatulog hanggang mag madaling araw ng oct.6 kase lalabas na pala talaga sya.. Pag pakiramdam nyo humilab tyan nyo ilakad nyo mga mamsh.. para bumaba sya ng mabilis.. ganun lang din ginawa ko pag humihilab then squat squat para mabanat ang mga dapat mabanat 😂 Imagine 1cm tapos biglaan 6cm na pala ko ng madaling araw ng oct.6 😅 Admitted 3:15am 6cm na sya then baby’s out at 4:15am sabi nila ang bilis ko daw naglabor 😅 pero pakiramdam ko nun ang tagal ko na naglabor 😅

Đọc thêm