Pagmumuta ni baby.
Hello po mga mommies! Tanong ko lang po about sa eye ng lo ko my baby is 7months po. Nag mumuta po kasi sya (yellow) both eyes and pinacheck ko na po sa pedia nya kanina lang. Sabi po dahil sa sipon and allergy, if nakaranas na po Lo nyo ano po sinabi ng pedia nya sainyo?
yung sakin po both my 2yo and 11mos nagkaganyan last week lang po gumaling. sore eyes po yung diagnosis pero di po namin ginamot. sinunod ko lang po sa pagpunas ng mineral water sa eyes nila para di matuyo. after ilang days naging okay naman po. 😊
Most probably with the environment na may maraming allergens, or could be an infection depende sa severity ng pagmumuta ni baby. Therefore have your baby checked.
Ang baby ko nag ka ganyan 4 days palang nilagyan ko lng lagi ng gatas ko 3 days lang wla na bsta Maya Maya mo lng patakan ng gatas mo
mii, try mo po massage yung sa nose nya .. search mo nalang po sa google kasi yan po ung sinabi ng pedia nung pinsan ko ,
Same diagnosis. Usually, sa sipon ni baby na umaapaw sa tear duct niya. Proper linis lang po.
ganyan din baby ko nung 8 months pa lng sya. pahiran m lng ng gatas mo. 2-3 days ok na yan
if ano nirecommend ng pedia upon check-up. sundin lang po. iba-iba po kasi case ng baby.
sundin mo lang sis sinabi ng pedia..pero try mo rin patakan ng gatas.effective din sya
observe nyo if ilan days ma at walang progress or improvement better to ff-up.
ganyan din baby ko mhie