Hello po mga mommies here!? Share ko lang po experience ko, i'm in my 8 weeks and 4 days of my pregnancy. I'm a first time mom!? 2 years na kaming kasal ng hubby ko, and we are very thankful na nabiyayaan kami ngayon na magkababy. So, ito na po hindi ganun kadali ang pagbubuntis ko. 2 times po akong nakaexperience ng bleeding yung una, pag ihi ko biglang may pumatak na dugo 6 weeks po ako nun pero itong second time po ang talagang umiiyak na ako actually kahapon lang po yun. Siguro dahil na rin sa stress sa trabaho. Ayun nga, kahapon nagbleeding ako akala ko parehas lang nung una na titigil din agad pero iba to, until kaninang umaga nagbebleed pa ako pero iba na color nya, kahapon medyo faded na red tapos kaninang umaga dark brown na po sya. Kaya umiiyak na ako kasi sabi ko baka wala na, lalo akong kinabahan nung may lumabas na buong dugo as medyo malaki po sya na sobrang dark ang color. Buti na lang schedule na ng second check up ko, nagdadasal na lang ako pati si hubby kinakausap na lang si baby na kumapit lang. Then, nung pagpunta namin ng Dr. parang narelieve yung nararamdaman namin dahil wala naman daw yung bleeding na yun siguro talagang sa pagod daw and we are very thankful na ok lang si baby. Malakas ba heartbeat nya. Kaya sa inyp mga mommies lagi nyo pong ingatan sarili nyo and magpray palagi at kausapin nyo rin palagi si baby nakakadagdag po ng lakas yun. And now, ito bedrest pa rin pero masaya na ok naman si baby???
Mommy Russ