First trimester vitamins

Hello po mga mommies! Patulong po ako. Sobrang worried ko kasi. May OB naman na po ako kaso folic acid at duphaston lang pinapainom sakin. 6 weeks na po ako. Yung mga kaibigan ko pinagtake daw po kaagad ng OBIMIN at gatas. Pero ako wala. Worried ako na baka kulang yung nakukuha na nutrients ni baby. Kasi nga first trimester pinakamahalaga dba? Yung OBUMIN daw po is para sa brain development nung bata. Kung marami po kayong nagtetake na as early as possible eh bibili na po ako. Hindi ko po kasi sure kung pang ilang weeks pwede itake yun. Hindi ko din pk mahanap sa internet 😭 DUPHASTON- pangpakapit. Sabi ng OB ko pwede daw once o twice a day. Gawin ko daw thrice pag mejo stressful ang araw. So ngayon hindi ko alam kung ilan ba talaga ang itetake. Gusto ko po sanang 3x para sigurado talaga kaso baka may side effect po? Planning to change my OB na din po kaso ang hirap mag hanap dahil nasa province ako ngayon. Please pakisagot po kasi worried na talaga ako. Thank you po mommies!

32 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

ako nga mag13 weeks na calcium at iron pa dn vitamins ko...wala pa folic acid ndi ko pa alam kelan magbigay ng instruction c ob,to take folic... mataas kc bp ko at may hyperthyroidism ako...trust your ob or better to change your ob para ndi ka maistress kkaisip..,, at kaka kumpara sa iba..

nung first trimester, 8 weeks ko na nalaman na preggy ako, folic acid lang iniinum ko. Then pagka 12 weeks ferrous, calcium at vitamin c. Tyaka lang ako nag prenat vitamins (oviral) nung nag 2nd trimester ako, together with folic+ferrous and calcium(calvin+)

Thành viên VIP

Iba iba ang mga Ob, my kanya kanya silang timeline kung kelan ka bibigyan ng ibang vitamins. If you're having 2nd thoughts sa Ob mo and you think you can't trust her, change ka nalang. Sayang naman inaral ng ob mo kung hindi mo pagkakatiwalaan.

Change OB po kung hindi po kayo satisfied sa inyong OB. i changed OB ng 2nd trimester dahil high risk ang pregnancy ko, kahit mas malayo yung clinic niya and hospital na affiliated siya, and it was one of the best decisions I made.

mas marunong kapa sa OB sana d kana nag pa checkup. ang 1st trimester importante ang folic acid for brain at pampakapit pra kahit matagtag ka. excited ka eno marunong kapa sa OB mo. sundin mo na lang sarili mo

Ako po nung 5 to 7 weeks ko folic acid at obimin lang walang pampakapit since dipa daw sure kung may heartbeat si baby in my 8th weeks po nagpa tvs ako at thanks god may heartbeat si baby dun na ako pinainom ng duphaston

hi momi, for my 1st tri ang tinitake ko lang is Folic and Calciumade ☺️ ask nyo po mismo si ob mo if pwede ka mag take ng obimin baka kasi my explanation din sya bat di ka nya pinapatake pa ng obimin.

first tri usually kc folic lang and or prenatal milk then pag mag eenter ka na ng 2nd tri thats the time na mag pprenatal vitamins, prenatal milk or calcium ka na then tatanggalin na nila ang folic acid.

Yung OB ko nun hinintay nya na hindi na ako nasusuka bago mag reseta ng madaming vitamins.. Change OB ka, dun ka na lang sa OB ng friend mo kung gusto mo ng Obimin.

6 weeks preggy din po, Folic acid and duphaston lang din ang reseta sa akin, sinasabayan ko nalang po ng gatas at pagkain ng prutas para healthy si baby ☺️