is it PPD?
Hello po mga mommies! Maglalabas lang po sana ako ng saloobin ko. Di ko din po alam kung bakit ganito nararamdaman ko. Actually, mabait naman yung pamilya ng asawa ko. Asikaso ako lalo na nung nanganak ako (cs) lahat ng pangangailangan ko nung buntis ako binibigay nila lalo na ng MIL ko. Kaso ang problema ako po nahihirapan ako makihalubilo sa kanila kasi isang lalaki lang po sa magkakapatid yung asawa ko puro babae na. Close silang magkakapatid pati MIL ko close nila. Palagi sila nagkukwentuhan yubg sila sila lang. Naiilang naman po akong makisali sa usapan o makiupo para makinig ng kwnetuhan nila kasi sila sila din naman po nagkakaintindihan. Okay naman sakin yung mga kapatid nya, medyo ilang lang po dun sa sumunod sa asawa ko na isang taon lang tanda ko. As in ilang po kami sa isat isa di ko alam jung ayaw ba nya sakin or what. Kapag andyan asawa ko yun lang kinakausap nya. May times din na naiinis ako kapag hawal nila lo ko parang gusto ko ipakuha agad sa asawa ko. Naiinis ako kasi ayoko naman pong gawin yung bagay na yun pero di ko po mapigilan, yung asawa ko naaaway ko. ☹☹??? masamang manugang at sister in law na po ba ako? Yung gusto ko minsan ako lang hahawak kay lo? Pls help me po. Need some advice po.