Help me to decide

Hello po mga mommies. 39 weeks na po ako ngayon. Kaninang umaga po, nagsquat ako at ginaya po yung exercise para maactivate yung labor na napanood ko sa yt. sa buong araw, 6-8x ko po ginawa may pahinga naman po ng ilang oras. Nung past 5 pm po, tumigil nako para magpahinga tapos po bigla pong sumakit puson ko, tumigil din po after ilang mins. 6:10 pm po sumakit na po yung puson ko at parang nararamdaman ko po na humihilab yung tyan ko hanggang ngayong oras po, ganon parin pero ang masakit na part po talaga is yung puson, di ko na po naoobserve kung humihilab ba tyan ko kasi po masakit puson ko parang nireregla. Wala naman pong unusual discharge sa vagina ko except sa white discharge, wala pong spotting or brown/red discharge. di rin po pumutok panubigan ko. So tinext ko po yung OB ko, tinanong nya po kung papaadmit nako. Papaadmit na po ba ako? Baka po kasi pauwiin din ako sa bahay kasi di pa naman po ako naglalabor, wala pa namang pong pumutok na panubigan at walang discharge. Yun lang po talaga concern ko, masakit puson at humihilab (yata) ang tyan minu minuto tapos titigil tapos sasakit ulit, ganon lang po. Help me to decide po kasi po first time mom ako at di ko po alam gagawin ko. Naranasan nyo po ba ito noon? Naglalabor na po ba ako kahit walang pumutok na panubigan?

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

May mga naglalabor na hindi pumuputok ahad ang panubigan. Basta po segundo na lang ung interval nya punta na po kayo sa ob para macheck kayo ni ob.

Hi mommy. Nanganak na po ba kayo? Ano po ginawa nyo after this? Pwede po pa share ng experience nyo? Thanks.

6y trước

Praying for fast recovery sa baby mo mommy and thanks sa pag share ng experience mo.