Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Keziah's Mom
Tips para makapag lakad na si baby
Hello po mga mommy. 11 months old na po yung baby ko at di parin po siya nakakapaglakad. Marunong na po siyang tumayo kaso kailangan may guide pa. Nagwawalker din siya kaso parang natatakot maglakad pag walang walker. Ano po kaya pwedeng gawin? Salamat po
Contraceptive Injectable Pills
Hello po. Effective po ba yung injectable pills? every month po akong nagpapa inject.
Period
Hello po nga mommy. Nagkaperiod na po ako kagabi after how many months hahaha. magt-two months na po kasi after ko macs. usually po pag nagkakaperiod ako, sumasakit po yung puson ko. pero ngayong nagkaperiod po ako ulit, hindi na sumasakit. normal po ba yon? nagbabago?
warts
hello po. alam nyo po ba yung parang band aid na pampaalis ng kulugo? ano pong name non at magkano? thanks po.
6 weeks
hello po. 2 oz po pinapadede ko sa 6 weeks baby ko. formula milk po. pwede na po ba sya sa 3 oz? minsan po kasi kinukulang na sakanya yung 2 oz.
period
hello po. ilang months po bago kayo ulit dinatnan ng perjod? mag t-2months na po akong na Cs. wala na pong dugo na lumalabas sakin. hinihintay ko nalang po na magka period ako. irregular din po period ko.
Lactum 0-6 months
Hello po. Dati po kahit papaano eh nakakinom ng breastmilk ang baby ko. Ngayon po hindi na, formula milk nalang po talaga sya since nagaaral pa po ako. Okay lang po kaya yon? 1 month na po baby ko. Pag kasi po pinapadede ko siya sakin, agad siyang nakakatulog at di nabubusog, maya't-maya eh gising sya kaya di nakakapag pahinga ng maayos, kawawa naman lalo na po 2 oras ang hihintayin bago dumede ulit. Ano pong feedback nyo sa lactum 0-6 months? sa mga nakagamit na po sa baby nila, maganda po ba? thanks po
1 month old baby
Hello po. Normal lang po kaya yung di pa nakakatingin si baby ng diretso sayo? Nakakatingin naman po siya pero madalang lang po. Parang feeling ko po di pa fully develop yung mata nya. Ano pong pwedeng gawin para mafully developed? Anong month po nakakita ng maayos ang baby nyo? Thanks po.
Contraceptives
Hello po. Pwede po bang uminom ng contraceptives ng di nagpapareseta sa doctor? Ano pong marerecommend nyong safe at subok na? thanks po
HFMD
ano po sintomas at paano po maiiwasan? Ano pong gagawin pag may ganyang disease ang baby?