Hindi Tugma.
Hello po mga mi. LMP ko is July 18 based on LMP dapat 9 weeks and 4 days na sya but sa transv uts 6 weeks and 6 days palang. May same experience po ba sakin dto mi? Hows you pregnancy journey po? 🥺
Same tayo mommy. Nung first tvs ko 4weeks and 2 days lang pero sa lmp 6 weeks and 4 days na dapat. Okay lang naman daw kung di mag match. So dahil early pregnancy pa lang nun wala pa nakita kundi gestational sac lang. Tapos na waiting ko ng 4weeks. bukas 2nd tvs ko na titignan kung nagdevelop ba si baby at kung may heartbeat na.
Đọc thêmsame... 1st trans V walang nakita tiny sac lang 2nd trans V di talaga tugma sa bilang sakin late rin ng 2 weeks. kahit 3rd ultrasound ko Pelvic 18 weeks bilang ko pero nakalagay 16 weeks palang dipende po ata sa size.
Ganyan talaga yan mi. May sinasabi ang ob nyan na Plus-Minus. Sakin yung latest Ultz ko 12weeks ako kaso nag minus sya ng 7days naging 11weeks & 4days lang ako. Nakakalito nga Minsan🥲😅
Me po hindi sinunod ang LMP kasi po may PCOS po ako. ☺️ possible late ovulation po yung case ko kaya ang sinunod is yung first utz. 19w and 6d na po kami today. ☺️
Same. Di match sa LMP(june19) pero i have small gestational sac syndrome sgss. I am currently 11 wks and 5 days pero ahead si baby ng 1 week base on size.
Sakin naman po based sa tansv dapat talaga 16weeks na ako pero pagdating sa center 20 weeks na ako.. 1 month pagitan kaya nagugulo ako.
Ako mhie mas sinusunod ko po ung first ultz po.. gestational age po ni baby..
depende po tlaga kung gusto na lumabas ni bby